Home » Probinsya » Peace agreement sa MILF, seselyuhan

Peace agreement sa MILF, seselyuhan

 

Kumpiyansa ang peace panel ng gobyerno na maseselyuhan na sa lalong madaling panahon ang kasunduang pangkapayapaan nito sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ang paniniwala ni Philippine peace panel chairperson Mariam Colonel-Ferrer, kasunod ng matagumpay na 35th formal exploratory talks sa MILF sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sinabi ni Ferrer na nagkaroon na ng mas malinaw na landas ang pakikipagusap ng gobyerno sa MILF.

Aniya, nagkaroon na ang government peace panel ng “more definitive estimate“ sa time frame kung kailan matatapos ang kasunduang pangkapayapaan.

Batay sa joint statement ng peace panel ng magkabilang panig, nilagdaan na nitong Enero 26 ang tinatawag na Terms of Reference para sa Third Party Monitoring Team (TPMT) na magsasagawa ng review, assessment at monitoring sa implementasyon ng Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) at mga Annex.

Bago matapos ang Enero, inaasahang papangalanan na ang mga miyembro ng komite.

Nagkasundo rin ang magkabilang panig na palawigin ng isa pang taon ang termino ng International Monitoring Team (IMT) at Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG).

Nagpaabot naman ng pagbati si Malaysian facilitator Tengku Dato’ Ab Ghafar Tengku Mohammed, sinabing may mahusay na hakbang na narating ang peace talks ng gobyerno at MILF.

Muling mag-uusap sa Pebrero sa magkabilang panig, na kapwa kumpiyansang makukumpleto na ang mga kinakailangang dokumento. – Fer Taboy

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese