Home » Tiyempista » MMTCI, world class race track

MMTCI, world class race track

Nakamamangha ang Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) dahil talagang masasabing world class ang pasilidad ng race track sa Malvar, Batangas.

Tunay na maipagmamalaki sa mga turista ang bagong karerahan na pag-aari ni Dr. Norberto Quisumbing na kamakailan ay nagsagawa ng dry run at pagsusuri naman ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Ang Malvar race track ay bubuksan sa publiko sa Pebrero at buwenamanong matutunghayan ang Mandaluyong day racing festival.

Ang Metro Turf ay ang pinakabagong track sa bansa na kumpleto ang mga kagamitan at ito’y may lawak na 45-ektaryang first-class na matatagpuan sa Malvar at Tanauan, Batangas.

Tiyak na isa ito sa magiging sentro ng turista sa Batangas dahil sa kanilang teknolohiyang mga pasilidad.

Ang MMTCI, gaya ng mga karerahan sa San Lázaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at Santa Ana Park sa Naic, Cavite, ay inaasahang isa magpapalakas sa industriya ng karera sa bansa sa pamamagitan ng paghikayat sa mga mamumuhunan.

Matatanaw sa karerahan ang magandang Mt. Makiling na magsisilbing backdrop, ng modernong karerahan na may 1,525-metrong haba at may tatlong chutes na may internasyunal na pamantayan sa mga pasilidad.

Ang Metro Turf ay idinisenyo ni Singaporean national KK Kumar, ang racing consultant ng Metro Turf, na siyang nasa likod ng magandang karerahan.

Itinuring ni Kumar na ang Metro Turf ang pinakamahusay na kanyang ginawa at nagpapasalamat ito kay Quisumbing sa ibinigay na suporta para maitayo ang magandang karerahan.

Naniniwala si Quisumbing na ang Metro Turf ay kikilalanin sa bansa bilang isa sa mga pangunahing sentro ng karera sa Asya sa hinaharap.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese