Home » Showbiz atbp. » Coco Martin, umaming nai-in love sa kanyang leading lady

Coco Martin, umaming nai-in love sa kanyang leading lady

ni Jimi Escala

COCO MartinMARAMI ang nagbago kay Coco Martin.

Una, ang kanyang lalo pang pagsikat. Pangalawa, ang kapansinpansing pagiging seryoso. Pangatlo ang sobrang hahabang kasagutan sa mga tanong sa kanya.

Sa pagiging seryoso sa kanyang showbiz career ay nawalan na rin ng panahon si Coco sa pag-ibig. Kung dati ay may nagpapatibok sa puso ng pinakasikat na aktor, ngayon daw ay tanging ang kanyang lola ang nagiisang taong inspirasyon niya.

Dahil ba sa trabaho, isinantabi na niya ang pagkaroon ng girlfriend?

“Sa totoo lang, hindi ko iniisip na isantabi, nawalan lang siguro ako ng panahon,“ sagot ni Coco nang humarap sa solo pressco niya para sa agad nang usapusapang teleseryeng Juan dela Cruz ng ABS-CBN.

Darating din naman daw ang panahon na bibigyan niya ng oras ang puso niya. Pero sa ngayon, mas dapat unahin ang trabaho at pamilya niya.

“Totoo pala na kapag naging busy ka, `yung tulog na lang… ipagpapasalamat mo na nakatulog ka ng tatlo o apat na oras sa isang araw. Kapag may humati pa, meron pang kumuha ng panahon at atensiyon ko, talagang wala nang matitira sa akin. Kasi `pag nagkakaroon ako ng time ngayon, gusto kong bumawi lagi sa family ko.“

Sa sobrang higpit ng schedule, m a y pagkakataon na maging ang lola na kasa-kasama niya sa bahay ay hindi na niya nakakausap man lang. Pagdating niya sa bahay, tulog na si Lola. Saka naman ito gising kapag tulog na siya.

“Kung minsan nakikita niya na lang ako na uuwi, maliligo, aalis,“ sambit pa ng aktor.

Kaligayahan na para sa kanya kung may time para magkasabay silang mag-breakfast ng kanyang mahal na lola, at kahit papaano ay nakapagkuwentuhan sila habang kumakain.

Hindi masabi ni Coco kung nami-miss niya ang pagkakaroon ng lovelife. High school pa lang daw hanggang college ay naranasan na niyang magkaroon ng kasintahan. Kaya alam na alam na raw niya ang pakiramdam ng isang lalaking may lovelife.

“’Pag gumagawa naman ako ng soap opera o ng pelikula, nararanasan ko naman. Kasi, `pag method actor ka na, ano, isinasabuhay mo, eh. Hindi nga lang sa totoong buhay. Pero `pag magkaeksena kayo, nararamdaman mo, eh.

“Minsan nga, ang sarap ng pakiramdam na, uy, nagkaka-crush ka sa leading lady mo. Parang naiinlabinlab na ako. Kumbaga, estilo ko `yon bilang artista rin. Parang gusto ko `yung kinikilig ako. Kasi siguro `pag dumating `yung point na meron ka n talagang karelasyon, mai-stop `yon Kasi, exclusive ka sa ka-partner mo eh. Mawawala na `yung excitement, napatawang kuwento ng super sika na aktor.

Pero binanggit niya na mahira din ang ma-in love o magkarelasyo sa leading lady. Tiyak na apektad ang trabaho nilang pareho.

“’Pag nag-away kayo, mawawal kayo sa mood para umarte. O `pa nag-aaway kayo, ramdam na ramdam sa bawat eksena n’yo. Kumbaga kung ako ang tatanungin, kun magkakaroon ako ng karelasyon gusto ko po, hindi taga-showbiz, banggit pa niya.

Samantala, sa Juan dela Cru ay may mahiwagang armas (an Bakal na Krus) na nagiging apat n magkakaibang sandata: Espada n Katapangan, Pana ng Karunungan Latigo ng Katarungan, at Sibat n Kagitingan.

Espada ang paborito ni Coc sa apat dahil ito ang pinakagama niya.

Sa Pebrero 4 na ang simula ng Jua dela Cruz sa Kapamilya Primetim Bida kapalit ng Princess and I.

Incoming search terms:

comments


















Translate »