Home » Balita » 47,000 dayuhang estudyante sa bansa

47,000 dayuhang estudyante sa bansa

 

Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) na mabilis ang pagtaas ng bilang ng mga banyagang nag-aaral sa iba’t ibang paaralan at learning institution sa buong bansa.

Sinabi ni BI Commissioner Ricardo David, Jr. na base sa naprosesong student desk ng bureau at naaprubahan sa 2012, umabot sa kabuuang 47,478 ang aplikasyon para sa student visa at special study permit (SSP), 14 na porsiyentong mataas kaysa 41,443 dayuhan na nag-apply noong 2011.

“Our country is fast emerging as a new educational hub in the Asia-Pacific region. More and more foreigners are coming here to study and it demonstrates recognition of the improved quality of our educational system,” pahayag ni David.

Ang pagtaas ng mga banyagang estudyante ay dahil sa kakayahan ng mga Pilipinong guro na nagtuturo ng wikang English at paggamit dito bilang medium of instruction sa mga paaralan sa bansa.

Ayon kay Atty. Cris Villalobos, BI student desk head, ang 31,000 SSP holders, na karamihan ay nakabase sa probinsiya ang dahilan ng maraming dayuhan estudyante habang 16,478 iba pa ang nabigyan ng student visa.

Sinabi ni Villalobos na sa 16,478 student visa holders, 3,302 dito ay mga bagong pumasok habang 12,949 ay mga lumang estudyante at nag-extend ng kanilang visa.

Idinagdag pa na 25,890 dayuhan ang kumuha ng kanilang SSP mula sa iba’t ibang BI field offices sa probinsiya, habang 5,100 ang kumuha ng kanilang study permits sa Manila. – Mina Navarro

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese