Home » Dagdag Balita » PTV 4, tatanggap na ng commercial

PTV 4, tatanggap na ng commercial

Pinagtibay ng Mababang Kapulungan sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang nagpapahintulot sa People’s Television Network, ang himpilan ng gobyerno, na tumanggap ng mga may bayad na anunsiyo upang makalikom ng sapat na revenues o kita para maipagpatuloy ang operasyon nito.

Batay sa House Bill 6703 na ipinalit sa House Bills 5061 at 5147 nina Reps. Lucy Marie Torres-Gomez (4th District, Leyte) at Dakila Carlo Cua (Lone district, Quirino), hangarin nitong mapalakas ang gampanin ng Channel 4 bilang sangay ng pamahalaan sa pagbubuong-bansa sa komunikasyon at information industry.

Ayon kay Torres-Gomez, ang pagkakapasa ng panukala ay magbibigay-daan sa PTV-4 na makalahok sa commercial advertising upang suportahan ang operasyon nito at makumpuni ang mga sira-sira at lumang pasilidad.

Sa ilalim nito, amyendahan ang PTV-4 charter o saligang batas na nagbabawal sa network na makalikom ng pondo sa pamamagitan ng advertising at airtime sales – Bert De Guzman

comments
Translate »


















Translate »