Home » Volleyball » UAAP Volleyball: Ateneo, FEU, nagwagi

UAAP Volleyball: Ateneo, FEU, nagwagi

Umangat sa pang-anim na puwesto ang Ateneo de Manila sa pagtatapos ng unang round ng 75th UAAP Volleyball Tournament matapos gapiin ang University of the East, 25-20, 25-22, 25-20 kahapon sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Pinangunahan ni Ricci Gonzales ang nasabing panalo ng Blue Eagles matapos niyang magtala ng 13 puntos na kinabibilangan ng 11 spikes. Nag-ambag din ang kakamping si John Joseph Sandoval ng siyam na puntos kabSa kabilang dako, nanguna naman para sa Red Warriors na siyang nalugmok sa ilalim ng team standings sa barahang 1-6, panalo-talo, sina Homer Lauresta at Angelone Soria na nagtala ng 12 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod.

Sa kabila ng ginawang pagpapaulan ng Blue Eagles ng spikes sa Red Warriors, 45-28, nakalamang pa ang huli sa blocks, 8-5.

Ngunit doon lamang nakuhang makaungos ng Red Warriors umangat ang Blue Eagles sa ibang aspeto ng laro maliban lamang sa set plays ng kanilang mga setters kung saan nakaungos si Argie Dacles kay Bartolome Rivera, 25-22.

Samantala, tumatag naman sa ikalawang puwesto ang defending champion Far Eastern University matapos muling magapi ang University of Santo Tomas, 25-20, 25-15, 26-24.

Dahil sa panalo, umangat ang Tamaraws sa barahang 6-1, panalotalo, habang bumaba naman ang Tigers sa barahang 4-3, upang makasalo ng La Salle Green Archers sa ikatlong puwesto. – Marivic Awitan

Incoming search terms: