Home » Balita » 7 porsiyento GDP sa 2013

7 porsiyento GDP sa 2013

Makakamit ang pitong porsiyentong paglago sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon, inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Arsenio Balisacan.

Ayon kay Balisacan, kanilang pinagbabatayan ang malakas na ekonomiya ng bansa sa nakalipas na taon na 6.5 porsiyento.

Aniya, malamang malalagpasan pa ang nasabing Gross Domestic Product (GDP) kung magpapatuloy ang paglakas ng iba’t ibang industriya gaya ng manufacturing, construction at services tulad ng IT-BPO.

“We forecast growth in 2013 to be between 6.0 to 7.0 percent,“ pahayag ni Balisacan.

Lalo, aniya, kapag tuluyang nakabangon ang malalaking ekonomiya gaya sa Europe at Amerika na kasalukuyang magalaw ang kalagayan.

Malamang magpapabagal naman sa pag-angat ng ekonomiya ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na siyang magpapalobo sa inflation.

Aniya, bagamat maiibsan ito sa pagkakaroon ng trabaho ng mamamayan sa pag-arangkada ng turismo, IT-BPO, construction at manufacturing industry bunsod ng public investment program gayundin ang conditional cash transfer. – Mac Cabreros

Incoming search terms: