Home » NBA » MAY PINAGTUUNAN

MAY PINAGTUUNAN

Miami Heat, nagpokus sa boards; ‘di pinaporma ang Washington Wizards

Lebron JamesMIAMI (AP)- Pinagtuunan ng Miami Heat ang boards mula sa pagsisimula hanggang sa umarangkada sa pagtatapos ng laro.

Nagmula sa rare home defeat, nagkaroon ang Miami ng rebounding advantage para sa isang pagbabago kahapon kung saan ay umiskor sila ng huling 21 puntos upang dispatsahin ang Washington Wizards, 99-71.

Galing ang Heat sa kanilang ikatlong pagkatalo sa sariling pamamahay sa season noong Sabado laban sa Chicago. Napagbigyan nila ang Bulls ng 20 second-chance points, ngunit pumuntos lamang ang ang Washington ng 4.

Mas napagtuunan sa ngayon ng Miami, nadiskaril sa boards sa kabuuan ng 38 rebounds sa mga nakalipas na tatlong mga laro, ang laro sa pagkakataong ito na taglay ang 50-39 advantage. Nagtala si Udonis Haslem ng 12 rebounds habang si Chris Bosh ay nag-ambag ng 9.

”There were some better in-traffic battles, guys going up and trying to get it with two hands, guys getting up off the ground,” pagmamalaki ni coach Erik Spoelstra. ”That disposition to rebound was better. It’s an effort thing.”

Ang laro ang pumarehas sa mga koponan na mayroong pinakamabisa at napakasamang records sa Eastern Conference. Itinarak ng Miami ang huling 21 puntos at hinadlangan ang Washington na scoreless sa loob ng huling 7:07.

”The defense came alive,” ayon kay LeBron James. ”We understand that if we want to win, ultimately we have to defend.”

Kumulekta si James ng 24 puntos, napalawig ang kanyang streaks sa scoring na ‘di baba sa 20 sa 32 magkakasunod na mga laro sa season, at 53 magkakasunod kasama na ang nakaraang taong playoff run.

Inilunsad ni James ang long jump sa nakadidismayang pamamaraan nang ang kanyang dunk ay sumablay dahil sa foul ng Wizards. Kinabahan ang Heat nang matapilok ang kaliwang sakong ni James kung saan ay namilipit sa sakit ito ngunit nanatili pa rin sa korte.

Hinirit ni James ang 9-for-17 sa shooting at 7 assists.

Ang Wizards (4-28), kulelat sa NBA isa puntos at shooting, ay nabigong mapagtagumpayan ang open shots at nahirit lamang 36 porsiyento. Naunsiyami sila sa ikalimang magkakasunod na laban at sumadsad sa 0-13 sa road kontra sa Eastern Conference teams.

Napatatag ng Miami sa 16-3 ang kanilang kampanya sa sariling tahanan kung saan ay taglay nila sa ngayon ang six-game trip.

”We’re going to see where we’re at,” paliwanag ni Bosh. ”Trips are always a test.”

Bilang Heat center, si Bosh ay naging pokus ng kritisismo dahil sa masamang inilalaro nito sa boards. Sa pagresponde, sinabi nito na kanyang pinatili ang pokus para sa kabuuan ng rebound sa nasabing laro.

”I’m just counting them so everybody will get off my back,” giit pa nito. ”It’s nine today. OK. Now I need to get nine the next game – or maybe even 10.”

”The only way we can do a better job is if each guy challenges himself a little more, and I challenged myself tonight.”

Napansin naman ni Spoelstra ang kaibahan ni Bosh, nagsimulang magpasiklab sa Miami.

”I just like to see him get off the floor,” pagmamalaki ni Spoelstra. ”He probably had more jumps in this game than he has had in a lot of them. He was active. It felt like he was a 7-foot player, which he is.”

Tumapos si Bosh na mayroong 17 puntos at season-high 4 blocks. Umiskor si Ray Allen ng 20 kung saan ay tinulungan ang Miami na umarangkada sa fourth quarter.

Naisakatuparan ng Heat ang uang 7 buslo upang umungos sa 15-6. Nagsagawa ang Wizards ng ilang runs ngunit nabigo silang makahabol o tumabla.

”Every time we came back, we got lazy,” ayon kay center Kevin Seraphin. ”We have to learn that every time we come back, we have to keep going to get stops.”

Tinapyas ng Wizards ang margin sa 78-71 sa kalagitnaan ng fourth quarter ngunit ‘di uli nakapagtala ng iskor, naimintis ang kanilang huling 8 buslo.

Itinarak ni Allen ang dalawang 3-pointers at isang three-point play sa Heat. Tumapos ito na mayroong 8-for-12.

”When you’re not scoring and they’re running, we’re not making them take the ball out of bounds,” sambit ni Wizards coach Randy Wittman. ”That makes a difference.”

Taglay lamang ni Jordan Crawford, pinangungunahan ang Washington sa scoring sa season, ang 1-for-7 kung saan ay kumubra lamang ito ng 2 puntos. Pinamunuan ni Seraphin ang Wizards na may 14 puntos.

PASAKALYE: Ang crowd ay kinabilangan ni New York Yankees slugger Alex Rodriguez, nakaupo sa front row sa midcourt kasunod ni Heat owner Micky Arison. … Sinimulan ng Heat ang kanilang trip noong Miyerkules sa Indiana, kung saan sila’y 9-35. … Nagsimula ang Heat sa kanilang pinakamahusay na pagsisimula sa shooting noong Disyembre 27, 2009 laban sa Pacers, nang isalansan agad ang kanilang unang 8 shots. … Kahit nabigo, ang Wizards ay 3-3 laban sa Miami sa nakalipas na dalawang seasons.