Home » Showbiz atbp. » DAGUPAN, bangus capital ng mundo

DAGUPAN, bangus capital ng mundo

 

Dagupan Bangus Festival

Sinulat ni LIEZLE BASA IÑIGO
Mga larawang kuha ni RIZALDY COMANDA

TINATAWAG na “Bangus Capital of the World” ang Dagupan City dahil sa malasa at may kakaibang sarap na bangus dito, at pagtatala ng Guinness Book of World Records sa longest barbecue grill nito.

Pangunahing produkto sa Dagupan ang bangus, isa sa pinakadinarayo ng mga turista, hindi lamang lokal kundi maging ng mga taga-ibang bansa.

Kung bangus din lang ang hanap, siguradong primera klase na ang bukang-bibig ng mga tao, ang pinakamalasang bangus ng Dagupan.

Sumikat lalo ang lungsod hindi lamang dahil sa beaches dito kundi nang isagawa rito ang unang Bangus Festival noong Mayo 3, 2003 na inorganisa ng mga residente, religious sector, business sector at ng local government unit (LGU), sa pangunguna ni Mayor Benjie Lim.

Ang malinamnam na bangus ang kadalasang dinadagsa ng mga turista rito, at lalong naging bantog ang bangus industry ng Dagupan dahil sa paglulunsad nito ng longest grill na nagpakilala rito sa buong mundo.

Tampok din sa naturang festival ang mga aktibidad na kinabibilangan ng Bangus cooking competition, Gilon Gilon Street Dancing Competition, Bangus Foodstrips, Bangus ed Carosa (float parade), Kalutan ed Dagupan (Longest Bangus Grill) at Pista’y Dayat o Sea Festival.

Dahil sa iba’t ibang aktibidad sa Bangus Festival tuwing summer ay nauso rin ang kompetisyon sa Bangus Rodeo o palakihan ng bangus na maha-harvest.

Ito naman ang nagbigay ng inspirasyon sa mga mangingisda o may-ari ng fishponds para pagbutihin ang pag-aalaga ng malalaking isda.

Natamo ng LGU ang layunin nito na sa pamamagitan ng Bangus Festival ay maisulong ang kaunlaran ng pamayanan.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese