Home » Balita » 7 resolutions kay Inang Kalikasan

7 resolutions kay Inang Kalikasan

Nagsimula na ang 2013, at abala ang lahat sa paggawa (o paglabag) sa kani-kanilang New Year’s Resolutions. At sa harap ng matinding banta ng global warming at lumulubhang epekto ng climate change ay may suhestiyon si Inang Kalikasan sa `sangkatauhan: pitong resolution para mapabuti ang lagay ng planeta.

1. Iwasang maglaho ang species. Poaching ang pangunahing dapat sisihin sa paglalaho ng mga species, sa gitna ng lumalalang extinction crisis. Ayon sa report ng World Wildlife Fund, bumaba ng 30 porsiyento ang level ng biodiversity sa mundo simula 1970s, habang tinaya naman ng United Nations Environment Program na 150 hanggang 200 species ang naglalaho kada araw.

2. Pangalagaan ang kagubatan. Mahalaga ng kagubatan para mapangalagaan ang iba’t ibang uri ng halaman, hayop at mikrobyo. Bukod sa may mahalagang tungkulin sa ecosystem ang mga insekto at mikrobyo at nakagagamot ng sakit ang maraming halaman, kagubatan din ang nagsu-supply ng malaking bahagi ng oxygen.

3. Protektahan ang mga lugar na may mataas na biodiversity level. Dapat na protektahan mula sa pagkasira ang iilang lugar sa mundo na mayaman sa biodiversity at tahanan ng mga pambihira at endangered species. Nangunguna sa listahan ang Pilipinas at Madagascar.

4. Bawasan ang greenhouse gases at limitahan ang climate change. Panahon nang magkaroon ang `sangkatauhan ng alternatibong fuel sources, at tutukan ang paggamit sa enerhiya mula sa araw at hangin. Matindi ang epekto ng global warming sa Arctic at Antarctic dahil sa tinatawag na polar amplification, na mauuwi sa pagtaas ng karagatan.

5. Sugpuin ang polusyon sa tubig. Tao rin ang mahihirapan sa polusyon sa tubig; bukod sa kumakaunti ang malinis na tubig na maiinom ng tao, napipinsala rin hanggang sa hindi na mapakinabangan ang mga yamang-dagat.

6. Limitahan ang pangi ngisda. Ang iba’t ibang paraan ng pangingisda ay nauuwi sa pagkamatay ng napakaraming isda, sea turtles at marine mammals. Naging talamak din ang paghahanap sa mga pating, dahil sa matinding demand sa shark fin soup sa China. Umaabot sa 73 milyong pating ang napapatay kada taon dahil dito.

7. Magtipid sa pagkon sumo. Magtipid sa kuryente at tubig. Huwag gumamit ng plastic. Mag-recycle. Iwasan ang madalas na pagbili ng appliances at gadgets. Gumamit ng hybrid o electric vehicles o kahit anong may renewable sources. – LiveScience.com

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese