Home » Balita » Lumolobong populasyon, dapat pang ikagalak

Lumolobong populasyon, dapat pang ikagalak

Iginiit ng isang Obispo ng Simbahang Katoliko na hindi dapat na ikabahala ang paglaki ng populasyon ng bansa, sa halip ay dapat pa nga itong ikatuwa.

Ito ang reaksiyon ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa ulat ng Population Commission (PopCom) na maaaring umabot sa 97.9 milyon ang populasyon ng Pilipinas ngayong 2013.

Ayon kay Bastes, dapat nating ikagalak ito dahil alam ng lahat na ang labor force o lakas paggawa ng bansa, gaya ng mga overseas Filipino worker (OFW), ang bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas.

Sinabi ng Obispo na kailanman ay hindi maituturing na pabigat ang malaking populasyon dahil ito ang asset at lakas ng isang bansa.

Ang dapat pa nga, aniya, na alagaan ng gobyerno ang populasyon, at suportahan at pagyamanin ang kakayahan at talento ng bawat Pilipino.

Samantala, nangangamba si Bastes na sa mga darating na panahon ay bigla na lang liliit ang populasyon ng Pilipinas dahil sa Reproductive Health Law. – Mary Ann Santiago

Incoming search terms:

comments


















Translate »