Home » Sports » 2013 Batang Pinoy, gagawing LUZVIMINDA

2013 Batang Pinoy, gagawing LUZVIMINDA

 

Ang tatlong malalaking isla sa Luzon, Visayas at Mindanao (LUZVIMINDA) ang magiging representasyon sa muling pagsasagawa ng Philippine Olympic Committee – Philippine Sports Commission Batang Pinoy National Youth Games 2013 na magsisimula sa Hulyo.

Sinabi ni Batang Pinoy in-charge at PSC Commissioner Jose Luis Gomez na inirekomenda mismo ni PSC chairman Richie Garcia na ibase sa kinikilalang geographical location sa bansa ang representasyon ng mga rehiyon upang mas makilala ang bawat kalahok.

“Chairman Garcia recommended to hold only Luzon, Visayas and Mindanao legs with Zamboanga City as the venue of the national finals,” sinabi ni Gomez.

Bunga nito ay mababawasan ang dating ginaganap na limang eliminasyon para sa NCR leg, Southern Luzon leg, Northern Luzon leg, Visayas leg at Mindanao leg tungo sa tatlo na lamang na leg.

Ang Luzon leg ay isasagawa sa Zambales sa Hulyo habang ang Visayas leg ay sa Agosto naman sa Roxas City. Ang Mindanao leg ay hahataw sa Setyembre sa Tagum, Davao Del Norte.

Nakatakda ding parangalan ang tinanghal na top 3 sa torneo na sinuportahan ni Senador Pia Cayetano sa pagkakaloob ng kabuuang P5M donasyon mula sa kanyang pork barrel fund sa pagbubukas ng torneo para sa edad 15 pababa sa Zambales.

Nanguna sa ikalawang sunod na pagkakataon ang Baguio sa tinipong 48 ginto, 29 pilak at 34 tanso. Pumangalawa ang Quezon City (17-13-33), kasunod ang Laguna (16-24-25), Manila (14-19-15) at Cebu (14-15-14).

Kabuuang 24 na isport ang pinaglabanan kung saan 10 ang may regular na eliminasyon kada leg habang 14 ang diretsong isinagawa ang national finals. Ang 24 isport na kasali ay kalahati sa 52 national sports association na nasa ilalim ng POC.

Mula sa sumaling 80 noong taong 2011 ay umabot sa pinakamataas na 143 local government units ang nakatuntong sa kampeonato kung saan kabuuang 104 ang nakapag-uwi ng kanilang medalya.

Nadagdagan din ang bilang ng mga nakatuntong sa national finals mula sa 2,000 noong 2011 na malayo sa 3,500 ngayong taon bunga na rin ng paglaki ng mga nagsilahok at karagdagang mga kategorya na tulad sa tinaguriang elite division na 13-15 category. – Angie Oredo

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese
  • Laiza Ico †

    GAWIN NYO NG 16pababa. pano yung mga sumali ng 15 pababa dati! say-ang nman pangarap nla mging Philippine team!