Home » Dagdag Balita » Sex video

Sex video

Ipatatawag ng Department of Justice (DoJ) ang piskal na nakipagtalik sa isang abogado ng Public Attorney’s Office (PAO), na nakuhanan ng sex video at kumakalat ngayon sa Internet.

Sinabi ni Prosecutor General Claro Arellano na ipasa-subpoena ang piskal mula sa Quezon City upang sumalang sa gagawing imbestigasyon ng DoJ, kasunod ng paghaharap ng slander, grave threat, grave coercion at paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women & Children) ng misis ng piskal laban sa huli. Beth Camia