Home » Tiyempista » Malvar Turf race track, kinasasabikan

Malvar Turf race track, kinasasabikan

 

Sabik nang masilayan ng publikong karerista ang pagbubukas ng Malvar Turf race track sa Malvar, Batangas sa susunod na taon na sinasabing maipagmamalaki ang mga makabago at teknolohiyang mga kagamitan.

Lubhang maipagmamalaki ang nasabing karerahan dahil hindi lang ang mga lokal kundi maging ang mga turista na mahilig mangarera ay mamamangha rin.

Katunayan, ang San Lazaro ay isa sa mga dinadayo ng mga dayuhan kapagt sila ay nagbabakasyon dito sa Pinas at bakas sa kanilang mga mukha kasiyahan habang nanonood kasama ang Pinoy racing fans.

Ang nakalulungkot nga lang ay naiurong ang dapat sana’y unang araw ng pagbubukas ng Malvar racing track dahil sa pagkakaroon ng sakit ng maybahay ni Norberto Quisumbing, ang big boss ng nasabing karerahan. Hangad ni Quisumbing na naroon siya sa unang araw ng pagbubukas ng kanyang karerahan.

Sa isinagawang pagsusuri ni Philippine Racing Commission (Philracom) Chairman Angel L. Castaño Jr, Racing Director Commissioner Jesus Cantos at iba pa, pumasa sa kanilang panlasa ang naturang karerahan.

Para sa inyong lingcod, kaiba ang Malvar Turf dahil bukod sa madaling puntahan ay lubhang magandang klima sa lugar na talaga naman mag-eenjoy ang mga karerista na magtutungo sa naturang lugar.

Ang horse racing sa bansa ay nag-aakyat ng malaking kita sa buwis mula sa mga karerista na siyang inaalagaan at pinoprotektahan ng komisyon. Malaki rin ang maitutulong sa turismo ang karera sa bansa na sadyang humihikayat ng mga dayuhan, lalo na ang maganda at magiging kaakit-akit na horse racing club na Malvar Turf.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese