Home » Balita » Ang dahilan ng matinding trahedya

Ang dahilan ng matinding trahedya

Ulat ng Agence France­Presse

Ang hindi nababantayang ilegal na pagmimina ng ginto at ilang dekada ng walang habas na pagtotroso ang nag-ambag sa mataas na bilang ng mga nasawi sa pinakamapinsalang kalamidad sa Pilipinas ngayong taon, sinabi ng mga opisyal at mga eksperto.

Inanod ang mga pamayanan o nabaon sa mga pagguho ng lupa nang manalasa si Bagyong Pablo sa bulubunduking rehiyon sa katimogan ng Mindanao noong nakaraang linggo, iniwang patay ang mahigit 600 katao at 800 ang nawawala pa rin.

Ang kahirapan, pagkaganid, at ang kinang ng mahahalagang metal ang umaakit sa libu-libong makipagsapalaran sa rehiyon.

“Mining and logging may have had an effect,“ sinabi ni Civil Defence chief Benito Ramos.

“The mountains have been denuded for decades, and filled with holes by our countrymen who are small-time miners. It pains me to say this, but these are the facts,“ aniya.

At ang bayan ng New Bataan na pinakamatinding tinamaan ng bagyo ay kapwa sentro ng mga nasirang industriya ng saging at lugar ng ilang libong iligal na operasyon ng pagmimina ng ginto sa probinsiya ng Compostela Valley sa Mindanao.

Sinabi ng geologists na ang bulubunduking lugar ay halos hindi na ligtas tirahan. Ngunit nagkalat ang maliliit, illegal o hindi maaayos na napapamahalaang mga minahan ng ginto sa lugar at sinabi ng mga lokal na pamahalaan na nag-aambag ito sila ng 40 porsiyento sa ekonomiya ng probinsiya.

Matagal nang nakalbo ang mga kabundukan upang bigyang daan ang plantasyon ng saging para suplayan ang malalaking merkado ng China, Iran at Japan.

Ang mga plantasyon at ang pagasang makasumpong ng kayamanan ang umakit sa daan-daan libong maralitang dumayo sa lugar sa paghahanap ng kabuhayan. Nanirahan sila sa gilid ng kabundukan kung saan regular na itinatapon sa mga ilog ang nakalalasong mercury, na ginagamit upang ihiwalay ang ginto sa bato.

Malaki pa rin ang pinsalang idinulot ng pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong taon sa kabila ng ilang araw na paghahanda at maagang babala kabilang na ang maagap na paglilikas sa mga mapanganib na lugar.

Sinabi ni Governor Arthur Uy na 75,000 katao, o isa sa lima sa probinsiya, ang nakaasa sa mga minahan at mahirap ang regulasyon.

Iginiit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang kanilang mga opisyal ay nire-require ng batas na maglabas ng small-scale mining permits at kailangang tiyakin na hindi maninirahan ang mga tao sa mga lugar na itinuturing na nanganganib sa landslides at flash floods.

Ngunit nagprotesta ni Uy, iginuguhit ng “geohazard maps” ng DENR ang 80 porsiyento ng buong probinsiya bilang danger zone.

“What shall we do? Should we all move from Compostela Valley?” aniya.

Sinabi rin ni Uy na tinatanggihan ng mga minero ang mga pagsisikap na mairelocate sila, mas inipili ang panganib kaysa kahirapan.

“It is the risk they are willing to take, just to strike it rich. They don’t want to move,” aniya.

Anuman ang dahilan, lahat ng mga elemento ng trahedya ay naroon na bago pa man ang geohazard, sinabi ni University of the Philippines geology professor Sandra Catana.

“They (have been) living in these areas before technology came about including the awareness of geohazards in this country which started only in 1990s,” aniya sa AFP.

Ngunit nagbabala ang pinuno ng flood control programme ng gobyerno, si Project NOAH Executive Director Mahar Lagmay, na nagbabago na ang takbo ng panahon.

“Previously we have had tracks in the last several decades where (storms) were moving more to the north. Now, they say, it is moving towards the south,” aniya.

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »