Home » Balita » Binay: Fraternity dapat huwag masamain

Binay: Fraternity dapat huwag masamain

Ni JC Bello Ruiz/ Manila Bulletin

Ang mga fraternity ay hindi dapat husgahan dahil mas nakatutulong ito kaysa nagiging ugat ng kasamaan, tulad ng iniisip ng marami.

Ito ang naging pahayag ni Vice President Jejomar C. Binay sa kanyang talumpati sa ika-50 anibersaryo ng Tau Rho Xi Fraternity sa Taguig.

Isa sa mga prominenteng miyembro ng Alpha Phi Omega (APO) fraternity, inisa-isa ni Binay ang benepisyo ng pagsali sa mga fraternity na karaniwang nababahiran ng masamang imahe dahil sa pagkakasangkot ng mga miyembro sa mga rumble at hazing kung saan may namamatay na mga neophyte.

“Lingid sa kaalaman ng madla, ang mga fraternity ay tinatag upang palaganapin ang magagandang kaugalian tulad ng katapatan, kapatiran at pagmamalasakit tungo sa ikabubuti ng nakararami,“ sinabi ng Bise Presidente.

Noong siya ay estudyante pa, sinabi ni Binay na sumapi siya sa APO upang maranasan ang pagkakapantay-pantay ng mga miyembro.

“Coming from humble origins, the hardships of life were a daily reality for me and so many others. Under the banner of three Greek letters, we learned to apply ourselves to various channels of service and to learning all that we could to better prepare ourselves for the day when our professional lives would finally begin,“ ani Binay.

Inamin din ni Binay na dahil sa pagiging mapusok noong kanilang kabataan, mayroon mga insidente na nakakabangga ang ibang mga brotherhood.

“But by and large, our membership has done us more good than harm and I am sure that many of us can honestly say that we are better men now because of it,“ dagdag ni Binay.

Binigkas din ni Binay ang inihayag ng dating pangulo ng American Bar Association na si Lloyd Wright: Fraternities create more mature, responsible and intelligent citizens.“

“The fraternity is more than just a boarding house. It is a temple of good will, of mutual assistance and enlightenment. The benefits derived are constant companions with alert fellow students in all activities of university life, and it tends to create more mature, responsible and intelligent citizens,“ kinuwento ni Binay ang pahayag ni Wright.

Incoming search terms: