Home » Sports » Baguio, nagmina ng ginto sa BP

Baguio, nagmina ng ginto sa BP

Iloilo City, Philippines – Humukay ng gintong medalya ang Baguio City sa apat na magkakaibang isport, habang patuloy ang dominasyon ng Quezon City sa swimming upang pangunahan ang kabuuang 116 local government units na kasali sa 2012 Philippine Olympic Committee ­ Philippine Sports Commission Batang Pinoy sa Iloilo Sports Complex.

Iniuwi ng Baguio ang walong ginto sa taekwondo, pito sa archery, apat sa wushu at anim sa athletics tungo sa paghakot ng kabuuang 26-14-15 ginto-pilak-tansong medalya habang sinisid ng Quezon City ang 11 sa pool at tig-iisa sa athletics, taekwondo, at wushu para sa naiuwi nitong 14-5-13 medalya.

Nagwagi para sa Baguio sina Colleen Heria (bantamweight), Phoebe Kate De Guzman (lightweight), Ma.
Kaye Shanelle (welterweight) at Paula Rose Salazar (middleweight) sa women’s division gayundin sina Tristan Dale Cavago (bantam), Kendrix Galian (feather), Rencer Lavestre (welter) at John Mapalo sa men’s division.

Iniuwi naman ng Bacolod ang apat na ginto mula kina Stephanie Lamayo (finweight), Irene Bermejo (flyweight), Alyssa Amihan (heavy) sa girls at kay Jayson Locsin sa flyweight. May tig-isa ang Manila kay Zia Baluyot sa girls featherweight habang wagi ang Iloilo City kay Lovett Uy De Ong sa boys finweight, Deb Matthew ng Quezon Cirty sa lightweight at Paul Ivan Narumbaba ng Borongan, Samar.

Limang ginto ang idinagdag sa Baguio ni Kareel Meer Hongitan sa archery sa pagwawagi sa women’s cadet 30m, 40-m, 50m, 60m at single FITA habang may dalawa din si Abelardo Villamor sa men’s cadet 30m at 50m. Wagi din si Faith Andaya sa female San Lu Quan, Vanessa Jo Chan sa short weapon at Alieson Omengan sa Nan Dao.

Hinablot naman ni Kirsten Chloe Daos ang ikalima nitong gintong medalya sa swimming sa 14-15 100m butterfly sa 1:08.88 segundo habang may tig-apat na gintong medalya sa pool para sa Quezon City sina Jeremy Brian Lim, Kirsten Chloe Daos at Raissa Regatta Gavino upang makabilang sa most-medalled athlete. – Angie Oredo

Incoming search terms: