Home » Pagtanaw at Pananaw » BAGYONG PABLO

BAGYONG PABLO

 

Malaki ang epekto ng usaping Reproductive Health (RH) Bill kay Senate President Juan Ponce Enrile (JPE) at maging sa kanyang anak na si Cagayan Rep. Jack Enrile. Tiyak ang mga pabor sa RH Bill ay hindi boboto kay Rep. Jack dahil sa mahigpit na pagtutol ni JPE rito sa kabila ng pagsisikap nina Sens. Pia Cayetano at Miriam Defensor Santiago na matalakay at aprubahan ito alang-alang sa milyun-milyong mahihirap.

Maaaring hindi lang ang personal reputation ni JPE ang tatamaan ng masidhi niyang pagkontra sa panukala. Ang biglang pag-imbulog ng kanyang pangalan at pagsikat dahil sa kanyang superb performance sa Corona impeachment trial ay baka tumamlay. Ang kandidatura ni Jack Enrile ay baka manganib. Pero tulad ng dati, inihayag ng 88-anyos na senador na handa niyang tanggapin ang lahat sa ngalan ng kanyang paninindigan.

Kung sa bagay, sabi nga ng mga kaibigan kong political observers, sa meron o walang RH bill, matatalino na ngayon ang mga botante. Iba si JPE kay Jack sa punto at larangan ng political at national achievements. Puwede bang maging “like father like son” ang mag-ama? Ihahalal ba ang anak dahil sa popularidad ng ama?

Binayo ni PABLO ang maraming parte ng Mindanao noong Martes, nagwasak ng mga bahay, nagbuwal ng mga punong niyog, umapaw ang tubig sa mga ilog, nagkansela sa biyahe ng mga eroplano at ferry services. Batay sa huling ulat habang sinusulat ko ito, mahigit na sa 500 ang namatay at marami pa ang nawawala dahil sa landslides

Talaga, kapag ang inang Kalikasan ang nagalit, daig pa sa bagsik ng ngitngit ni misis sa kanyang mister! Tulad nang dati, ang dahilan ng flashfloods at landslides ay bunsod ng pagkapanot ng kabundukan, pagkitil sa mga puno na sumisipsip ng tubig sa lupa. Sabi ng isang mapagbiro: “Buti nang kalbo ang isang tao, ‘wag lang makalbo ang bundok”.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese