Home » Dagdag Balita » Universal Declaration of Human Rights

Universal Declaration of Human Rights

Ang kabiguan sa pagpapatupad ng karapatang pantao ay kabiguan sa pagsugpo ng krimen, inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Nicanor Bartolome noong Martes.

Bilang pagsunod sa Republic Act No. 9201 na lalong kilala sa tawag na “An Act Declaring December 4 to 10 as National Human Rights Consciousness Week in the Country and for other Purposes”, nakiisa ang Philippine National Police sa Commission on Human Rights (CHR) iba pang tanggapan ng gobyerno sa isang linggong selebrasyon ng National Human Rights Consciousness Week (NHRCW) at 64th Universal Declaration of Human Rights.

Pinangunahan nina Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at Bartolome ang panimula ng isang linggong selebrasyon ng National Human Rights Consciousness Week na may temang “My Voice Counts in Ending Impunity: I Work for Human Rights Based Governance”.

Sumusuporta ang PNP sa CHR sa paglulunsad ng “Solidarity Bike-Run para sa Human Rights” sa Quezon City Memorial Circle at sa Monument sa EDSA People Power. Inilunsad din ang human right songfest sa temang “Himig Sa Karapatang Pantao”, na lalahukan ng iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno, sa Disyembre 9, 2012 sa Quezon City Memorial Circle. Susundan ito ng pagpapalipad ng “Human Rights Lantern” bilang pagsalubong sa International Human Rights Day. – Fer Taboy

Incoming search terms: