Home » Showbiz atbp. » Mas pinabonggang programa sa Sabado at Linggo ng GMA Network

Mas pinabonggang programa sa Sabado at Linggo ng GMA Network

Mas bonggang palabas ang ihahain ng GMA Network sa paglulunsad ng mas malalaki at mas mapangahas na mga programa sa weekends simula sa Disyembre 1 at Disyembre 2.

richard at marianAng pagbabago sa panghapon at primetime block sa Sabado at Linggo ay pagtupad sa commitment ng istasyon na magbigay ng pinakamagandang karanasan para sa lahat ng Pilipino.

Sa Sabado, Disyembre 1, patuloy na magtatampok ang Wish Ko Lang ni Vicky Morales, ng istorya ng mga karaniwang Pilipino sa kanilang pagsusumikap na malagpasan ang mga hindi pangkaraniwang sitwasyon. Susunod ang 24 Oras Weekend, nina Jiggy Manicad at Pia Arcangel, 5:15pm na tatalakay ng pinakamaiinit na balita at recap ng nakalipas na taon.

Susunod ang action packed reality show na Extra Challenge sa 5:45pm, hosted nina Richard Gutierrez at Marian Rivera kasama si Boobay.

Fun-filled episode din ang Celebrity Bluff ni Eugene Domingo kasama ng kinaaliwang tambalan nina Jose Manalo atd Wally Bayola sa 6:30pm. Susundan ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa kanyang informative and educational program na “Kap’s Amazing Stories” sa 7:30pm.

Ma-inspire sa mga istorya ng mga ordinaryong tao na may natatanging mga karanasan sa award-winning drama anthology na Magpakailanman kasama ang multi-awarded broadcast journalist na si Ms. Mel Tiangco, sa 8:15 PM at sa 9:35 PM, saksihan ang araw-araw na pakikibaka ng mga taong may kakaibang trabaho sa Wattajob, hosted nina Chris Tiu at Heart Evangelista kasama si John Feir.

Ilalahad naman ni Rhea Santos ang mga tunay na istorya sa likod ng kamera ng mga sikat na personalidad sa Tunay na Buhay simula sa 10:20 PM.

Tapusin ang gabi sa musical variety show ng nag-iisang Master Showman German Moreno sa Walang Tulugan With The Master Showman sa 11:05pm.

Sa Linggo, Disyembre 2, samahan sina Raymond Gutierrez, Roderick Paulate, Jennylyn Mercado, at Regine Velasquez-Alcasid sa pagtatampok nila ng extraordinary personalities at human interest stories sa HOT T.V., 4 PM.

Muling tunghayan ang maiinit na balita sa 24 Oras Weekend sa 5:30pm. Susundan ng Extra Challenge sa 6 PM.

At maaliw sa high-rating family sitcom na Pepito Manaloto, sa pangunguna ng Asian TV Best Comedy Actor recipient Michael V., sa 6:45 PM.

Si Jessica Soho ay mapapanood na sa Linggo sa Kapuso Mo , Jessica Soho, 7:45 PM. Susundan ito ng Imbestigador ni Mike Enriquez 9:15 PM.

Sa 10 PM, saksihan ang isa pang nakakamanghang episode ng I-Bilib nina Chris Tiu at Moymoy Palaboy kasama ang special guests na sina Jennylyn Mercado at Chariz Solomon. Sa 10:30 PM, panoorin ang major solo concert ni Rachelle Ann Go na pinamagatang R.A.G. Rise Against Gravity sa Sunday Night Box Office (SNBO).

Huwag palalampasin ang superior entertainment tuwing weekend simula ngayong Sabado at Linggo sa GMA.

comments


















Translate »