Home » Showbiz atbp. » Sektor: Magsasaka, binhi ng kahirapan

Sektor: Magsasaka, binhi ng kahirapan

 

Ngayong gabi sa pagpapatuloy ng “Sektor”, ang eight-part anniversary special ng Reporter’s Notebook, pagtutuunang-pansin ng programa ang ikalawa sa pinakamahirap na sektor sa bansa ayon sa National Statistical Coordination Board — ang mga magsasaka.

Sisiyasatin ng Reporter’s Notebook ang dahilan kung bakit patuloy na nalulugmok sa kahirapan ang mga magsasaka. Sumabay sa paglalakbay mula Luzon, Visayas at Mindanao upang tuklasin ang kanilang tunay na kalagayan. Mula sa mga magsasaka ng niyog sa Quezon, mga magsasaka ng tubo sa Negros Occidental hanggang sa mga magsasaka ng palay sa Zamboanga del Sur, pupuntahan sila nina Jiggy Manicad at Maki Pulido upang alamin ang kanilang mga daing at hiling sa pamahalaan.

Ilang malalaking programa at proyekto na ang ipinatupad ng mga nagdaan at kasalukuyang administrasyon upang maiangat ang kalagayan ng mga magsasaka pero hanggang ngayon lugmok pa rin sila sa kahirapan. Kayod-kalabaw man sila, kakarampot pa rin ang kita ng marami sa kanila.

Huwag palampasin ang “Sektor: Magsasaka, binhi ng kahirapan” ngayong gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese