Home » Balita » Kasambahay Bill, inaprubahan ng bicam

Kasambahay Bill, inaprubahan ng bicam

Inaprubahan na ng Congressional bicameral conference committee ang ang dalawang bersiyon ng Senado at Kamara ng Kasambahay Bill, na isang hakbang na lamang bago ito ganap na maging isang batas.

“We are hopeful that this landmark piece of legislation for two million kasambahays can be signed into law by President Aquino before the year ends. This would be a perfect Christmas present to our hardworking helpers,“ sinabi ni Aurora Rep. Edgardo “Sonny“ Angara, isa sa may akda ng House Bill No. 6144 o Domestic Workers Act.

Nagkasundo ang miyembro ng bicameral meeting na italaga ang minimum wage ng mga domestic worker sa hindi bababa sa P2,500 kada buwan para sa mga nagtatrabaho sa National Capital Region; P2,000 para sa mga nasa chartered cities at first class municipalities; at P1,500 para sa mga nagtatrabaho sa ibang munisipalidad.

Isang taon matapos ito maging epektibo, rerepasuhin ng mga Regional Tripartite Wage and Productivity Board kung kailangang baguhin ang minimum wage ng mga kasambahay kung kinakailangan.

Bukod sa pay standardization, makatatanggap din ang mga domestic worker ng iba pang benepisyo na naaayon sa mga umiiral na batas. Sila ay magiging miyembro rin ng Social Security System, Philhealth, at Pag-Ibig Fund. Ang bayarin sa mga ito ay babalikatin ng mga employer kung ang suweldo nila ay mababa sa P5,000.

Kung mas mataas ang suweldo ng kasambahay sa P5,000, ang mga premium payment ay paghahatian ng employer at domestic helper, habang ang Philhealth contribution ay babayaran ng buo ng employer. – Office of Sen. Sonny Angara

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »