Home » Balita » Batang nasasangkot sa krimen, dumarami

Batang nasasangkot sa krimen, dumarami

 

Ni Fer Taboy

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na halos triple ang itinaas ng bilang ng mga batang nabibiktima at gumagawa ng krimen sa bansa.

Ayon sa PNP, sa nakalipas na apat na taon lumobo sa 5,818 na kabataan na dating 1,825 noong 2007, ang nasangkot sa krimen na sinasabing umabot sa 290 porsiyento ang itinaas.

Ipinaliwanag ni Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr., spokesman ng PNP, na sakop na nito ang lahat ng kaso ng biktima at pagiging suspek ng mga kabataan.

Ang bilang ay batay sa ulat ng mga itinayong children’s desk sa lahat ng munisipyo, siyudad at lalawigan na nakatutok sa kaso ng mga bata.

Dahil dito nagsanay ang PNP ng kanilang mga tauhan na hahawak sa kaso ng juvenile delinquency dahil hindi naman aniya basta-basta ang ganitong mga kaso.

Sinabi pa ni Cerbo, hindi pwedeng ituring na parang isang hardened criminals ang kabataan na nasasangkot sa krimen.

Inihayag naman ni Dr. Jaime Polo, propesor ng Anthropology at Sociology sa University of the Philippines, na hindi rin makatutulong sa isyu ang paglalagay sa mga rehabilitation center para sa mga batang sangkot sa krimen dahil sa kawalan ng sapat na pasilidad at hindi rin natutugunan ang isyu sa kahirapan, na itinuturing na ugat ng paglobo ng krimen sa kabataan.

Naniniwala ang propesor na ang ugat talaga ng krimen na kinasasangkutan ng kabataan ay kahirapan dahil hindi naman nabibigyan ng sapat na kaalaman at edukasyon ang isang bata.

Malaking bilang ng mga nasasangkot na kabataan sa krimen ay mga palaboy at hindi nagagabayan ng kanilang mga magulang.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese