Home » Balita » Cash gift, diskuwento sa sentenaryo

Cash gift, diskuwento sa sentenaryo

 

Ni Leonel Abasola

Nais ni Senator Francis Pangilinan na mabigyan ng P100,000 cash gift at 50 porsiyentong diskuwento sa pagbabayad ng value added tax (VAT) ang lahat ng edad 100 pataas.

Sa kanyang Senate Bill No. 3328 o Centenarian Act of 2012, bukod sa cash gift at diskuwento, makatatanggap din ang benepisyaryo ng felicitation letter mula sa Pangulo ng Pilipinas.

Sinabi ni Pangilinan sa Section 2 ng panukala na lahat ng centenarian ay makatatanggap ng 50 porsiyentong diskuwento o exemption sa pagbabayad ng VAT, kung ano ang maaaring gamitin sa pagbili ng produkto at serbisyo sa lahat ng establisimiyento na eksklusibo sa mga senior citizen.

Lilikhain din ng panukala ang National Respect of Centenarian Day na gaganapin tuwing Setyembre 25, kasabay ng taunang Family Week Celebration na Setyembre 19-28, na magpaparangal sa lahat ng Pilipinong nagdiwang ng ika-100 kaarawan sa kasalukuyang taon.

Pararangalan din ng panukala ang lahat ng may edad 100 o higit pa bago maisabatas ang panukala na ituturing na pambansang selebrasyon.

“For a country with 100 million people, only a tiny fraction of the Philippine population lives to 100 years old. Based on a 2010 census released by the National Statistics Office, the estimated number of Filipinos who have lived over 100 is 8,000 or .008 percent,“ sabi ni Pangilinan.

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese