Home » Probinsya » Maguindanao massacre

Maguindanao massacre

 

ISULAN, Sultan Kudarat ­ – Gugunitain ang ikatlong taon ng Maguindanao massacre at tinitiyak ng militar at pulisya ang seguridad ng mga magtutungo sa Sitio Malating sa Barangay Masalay, Ampatuan, Maguindanao, kung saan brutal na pinaslang ang 58 katao noong Nobyembre 23, 2009.

Pangungunahan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at ni Gov. Esmael Mangudadatu, na napatay ang asawa at ilang kamag-anak sa massacre, ang paggunita sa mga biktima sa nasabing lugar, habang titiyakin naman ng 601st Infantry Brigade, 1st Mechanized Brigade at Maguindanao Police Provincial Office ang seguridad sa lugar.

Sa panig ng mga itinuturing na pangunahing suspek, sinabi ni Shariff Aguak Mayor Al Hadja Zahara Upam Ampatuan, maybahay ng nakapiit na si Datu Anwar Ampatuan Sr., na nananawagan din ng hustisya ang pamilya Ampatuan na ayon sa kanya ay inosente sa massacre. – Leo P. Diaz

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese