Home » Caritas » PRIVATE HOSPITAL?

PRIVATE HOSPITAL?

 

Nakahain ngayon sa Kongreso ang isang panukalang batas hinggil sa pagsasapribado ng pampublikong ospital. Marami na ang nagpoprotesta rito. Bukod sa maliit na budget para sa Department of Health, napakamahal din ng gamot kahit pa generic ang mga ito. Ayon sa isang pag-aaral ng Institute of Philippine Culture ng Ateneo de Manila University kasama ang Health Action International at World Health Organization, lumalabas na 7 times to 36 times na mas mataas ang presyo ng gamot sa Pilipinas kung ikukumpara sa international index prices. Nangangahulugan ito na ang mga Pilipino ay isa sa mga hindi mapapalad na mga mamamayan na nagbabayad ng napakamahal na halaga upang makabili ng mga gamot.

Tunay nga bang kapaki-pakinabang ang planong pagsisipribado ng mga ospital ng gobyerno sa buong bansa?
Makakatulong nga ba ito sa maralitang Pilipino? Ayon sa mga mambabatas na sumusuporta sa privatization ng may 26 na government hospital sa bansa, ang layunin daw nito ay upang maibsan nga ang kawawang kalagayan ng mga ito dahil na rin sa kawalan ng sapat na budget mula sa pamahalaan.

Napapanahon ang mensahe ni Cardinal Manila Archbishop Luis Antonio Tagle. Ayon kay Cardinal Tagle, ang kahirapan ay kagagawan ng mga balangkas sa lipunan na makasalanan. Ito ay sanhi ng mga patakaran o sistema sa ekonomiya na ginawa ng tao na may pagkiling sa mga mayayaman at may kapangyarihan.

O malinaw yan ha. Pustahan tayo may kokontra pa rin, tsk tsk tsk.

Noong panahon ni Hesus, binatikos niya ang mga pinuno ng Israel dahil sa pagpapatong nito ng mga pabigat sa mga manggagawa at mahihirap.

Nananawagan tayo sa ating mga lider ayon na rin sa paanyaya ni Hesus na gawing makatotohanan, mapagmahal, at makatarungan ang mga balangkas ng ating lipunan.

Pag-isipan sanang ng tunbay at matuwid ng pamahalaan ang planong pagsasapribado ng mga ospital.

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese