Home » Tennis » Serena Williams vs. Maria Sharapova sa WTA Championships title showdown

Serena Williams vs. Maria Sharapova sa WTA Championships title showdown

ISTANBUL (Reuters) – Hindi si Serena Williams ang klase ng manlalaro na nagpapakita ng awa upang pahinain ang mga kalaban at ang laro kahapon ang nagpatunay na walang exception sa kanya nang pataubin ng American si Poland’s Agnieszka Radwanska upang umakyat sa finals ng WTA Championships.

Umarangkada si Williams sa kabuuan ng kanyang round robin group, napagwagian ang lahat ng tatlong matches, na nagpatunay na ‘di siya mapipigilan matapos ang 6-2 6-1 victory at nagtakda sa paghaharap nila ni Maria Sharapova.

Binigo ni Sharapova si Victoria Azarenka, tatapusin ang taon na nasa No.1 sa rankings, na halos may kahalintulad na panalo, 6-4 6-2.

Humulagpos si Williams sa isang set sa showpiece tournament habang kinailangtang ipagkaloob ni Sharapova ang isang set.

Ang world number three na si Williams, ang outstanding player sa tour sa kasagsagan ng kalagitnaan ng taon kung saan ay napagwagian nito ang Wimbledon, ang Olympics at US Open, ay nagsagawa ng 39 winners kontra sa leg-weary na si Radwanska.

Namalagi si Radwanska, humantong sa 3 oras at 29 minuto ang laro bago tinalo si Sara Errani noong
Sabado, kay Williams hanggang 22 sa unang set subalit ang kanyang resustensiya ay kinapos kontra sa 15times grand slam champion.

“Those last two matches really killed me, especially that I didn’t have the day off,” pahayag ni Radwanska, natalo sa tight three-setter kay Sharapova sa kanilang grupo. “I really needed that. And especially that surface. It’s very sticky, so three and a half hours is a lot. I’m really tired today and I really wanted to run, but my legs didn’t.”

Umentra si Sharapova sa kanyang laro kasama si Azarenka na nabigo sa apat sa kanilang limang pagtatagpo sa taon na ito, kasama na ang pagkabigo sa kanyang tatlong finals, ngunit kinakitaan ito ng pagkasariwa kahapon sa loob ng Sinan Erdem arena.

Nakandado naman si Azarenka, isinelyo ang taon bilang No. 1 sa ranking nang umabante sa semifinals, sa kanyang normal power at foot speed at sadyang ‘di patas kay Sharapova kung saan ay hinadlangan ang Belarussian sa serve ng dalawang beses sa unang set na may ilang vicious returns.

Ang four-times grand slam champion ay umungos sa 4-0 lead sa second set, na dito ay nakipagtagisan ito upang ibaon ang 24-point game patungo sa 5-1 lead bago magaan na kinuha ang panalo.

“I give Maria all the credit. She played really well,” pahayag ni Azarenka. “Could I play better? Yeah, I could have moved better for sure. But I have no regrets. I finished the first time a loss with a smile.”

Umentra si Sharapova sa WTA Championships final sa unang pagkakataon makaraan ang 2007. Napanalunan nito ang nag-iisang titulo sa event noong 2004 nang pataubin nito si Williams, ang huling pagkakataon na tinalo niya ang American.

“I’m happy with the way I came in and didn’t let anything bother me, even losing to her the last couple times just trying to figure it out,” giit pa ni Azarenka.

comments


















Translate »