Home » Showbiz atbp. » ‘Tiktik,’ planong gawan ng sequel

‘Tiktik,’ planong gawan ng sequel

Ni Nora V. Calderon

SA thanksgiving ng Tiktik, nagkuwento si Dingdong Dantes na sa six days na showing ng movie ay more than P70 million na ang box-office returns nila. Kaya ba nilang mabawi ang may P80 million na production cost nila?

“Hindi kami sure kung mababawi namin agad, pero parang nakabawi na kami dahil sa magagandang reviews ng pelikula mula sa mahuhusay na director at sa mga nakakapanood na rin,“ nakangiting wika ni Dingdong. “Tulad nang sabi namin noon, gusto lamang naming maprove na p’wede naman tayong gumawa ng ganitong klase ng pelikula, kahit pa inabot nga kami ng two years bago natapos ang full production nito.

“Nakakatuwa rin na may nagpapadala sa Facebook at Twitter ng pictures ng mga pila ng mga manonood sa cinemas. Nakakataba rin ng puso ang sinasabi nila na naengganyo silang manood dahil ito ang pinag-uusapan. By word of mouth ng mga nakapanood na, at sa inyong mga press, labis-labis ang pasasalamat namin. Hopefully, umabot pa hanggang sa Halloween ang showing namin dahil bagay ito sa mga araw na iyon.“

May plano na ba silang igawa ito ng sequel?

“Pinag-iisipan namin ang part two, at ang ganda nga siguro kung naka-3D kami.“

May offer na ba for a commercial release o pag-join sa international film festivals?

“May nakikipag-usap na kay Dondon dahil kung napanood ninyo sa internet ang aming trailer, may English subtitles na ito.“

Siyempre pa, hindi namin pinalampas na kumustahin kay Dingdong ang kanyang girlfriend na si Marian Rivera. Pareho kasi silang very busy sa kani-kanyang projects, may time pa ba sila para sa isa’t isa?

“Yes, p’wede po namang gumawa ng paraan kung talagang gusto ninyong magkasama,“ nakangiting sagot ni Dingdong. “Like noong Sunday, pinanood niya ang grand finals ng Protégé: The Battle of the Big Artista Break. Last Monday naman, after ng presscon niya ng Temptation of Wife, nag-dinner kami, promise niya iyon sa akin dahil this week, tuluy-tuloy ang trabaho niya, may taping na rin siya ng second episode ng Extra Challenge. Basta narito po kami, hindi pwedeng lumipas ang Sunday na hindi kami sumisimbang magkasama at nagdi-dinner pagkatapos. Siguro, iyon ang nagba-bond sa aming dalawa. With Christ in our center, hindi na namin iniintindi ang mga negative issues sa aming dalawa, may tiwala kami sa isa’t isa, lalo na pagdating sa aming mga trabaho.“

Next month, magsisimula na si Dingdong ng bagong drama series na may tentative title na Dangal, makakasama niya sina Kylie Padilla, Alessandra de Rossi at sina Lorna Tolentino at Christopher de Leon. Tatapusin na rin niya ang festival movie niya sa Star Cinema, ang One More Try kasama sina Angelica Panganiban at Angel Locsin.

Incoming search terms:

comments


















Translate »