Home » Showbiz atbp. » Si Julia Montes daw ay… Baby pa, masarap alagaan –Coco

Si Julia Montes daw ay… Baby pa, masarap alagaan –Coco

 

Ni Reggee Bonoan

SA jam-packed na “Walang Hanggang Pasasalamat“ sa Big Dome, isa ito sa mga sinabi ni Coco Martin tungkol kay Julia Montes na ikinakilig nang sobra ng audience, nang tanungin siya ni Boy Abunda kung ano ang nakikita niya sa dalaga off-camera: “Baby pa, masarap alagaan.“

Ang ganti naman ni Julia, gentleman ang aktor, “Dahil inaalagaan po niya kami lalo na pagdating sa damit.“ Kasi nga konserbatibo ang leading man niya.

“Isa si Julia sa pinakamagandang artista ng ABS-CBN at masuwerte ako kasi nakasama ko siya ngayong nagdadalaga siya at malungkot ako kasi kapag dalaga na siya, baka hindi na ako ang makakasama niya,“ sabi pa ni Coco.

Ang pinaka-unforgettable scene naman nina Coco at Julia sa Walang Hanggan: “Sa lahat ng pelikulang napanood ko at teleserye pa, itong kasal namin ang pinakamagandang kasal na nakita ko, sana totoo ito,“ say ng aktor.

Para kay Julia: “Ako `yung pinaka-favorite ko, `yung naglalakad ako sa aisle kasi malapit na ako sa altar at nakikita ko kung nasaan siya (Coco).“

Nalaman namin na ayaw pang pakawalan ni Coco si Juli, in fact, hiniling daw ng aktor na gumawa sila ng pelikula at balita namin ay sa Europe ito iso-shoot. Di ba, Bossing DMB, nasulat na natin ito? (Tama… ­DMB)

Hypothetical ang huling katanungan ni Kuya Boy kay Coco: “Last night of the world, pakakasalan mo ba si Julia“?

“Ako kasi, Tito Boy, nasa right age na ako at naghahanap na ng babaeng mamahalin. Kung nagkataong si Julia ay nasa tamang edad na, bakit hindi?“

At ang mabilis na sagot ng dalaga: “Kung nasa right age ka, bakit hindi? Yes!“

So, read between the lines, Bossing DMB?

(OK, next time, huwag mo nang iba-blind item na may “something“ na sina Coco at Julia, ha? ­DMB) Sabihin na nating pinakikilig lang ng dalawa ang supporters nila, pero hindi aabot sa ganu’n ang mga sagot nila kung alam nilang dalawa na hindi naman sila -at higit sa lahat sa parte ni Julia dahil alam niyang naghihintay sa kanya si Enchong Dee.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
  • angie

    hindi na wag na yan si enchong dee kc bakla nman sya bkit ayaw pa nyang lumantad na pareho sila ni piolo. malay natin in the future sina coco at julia pala ang para sa isa’t isa. wait and see. bagay na bagay pa nman sila sa isa’t isa. parang cesar at sunshine montano.