Home » Showbiz atbp. » Bea Binene at Jake Vargas, pressured sa ‘Cielo de Angelina’

Bea Binene at Jake Vargas, pressured sa ‘Cielo de Angelina’

Ni Nora Calderon

NAG-GOOSE BUMPS kami sa panonood ng audiovisual presentation ng Cielo de Angelina, ang first GMA Films for TV morning soap.

May tatlong version ang theme song na Hindi Natutulog Ang Diyos ng drama series nina Bea Binene at Jake Vargas. Ang una ay inawit ni Jillian Ward, ang batang Angelina. May version din si Jonalyn Viray at may duet sila ni Jillian. Magkakaroon din ng version si Jessa Zaragoza.

Special participation lang sina Ms. Gloria Romero at Jillian na pumayag kahit maikli lamang ang role dahil talaga namang maganda ang story ng ulilang si Angelina. Sa kuwento ay iniwan sa El Cielo Shelter for Destitue Women and Abandoned Children. Walang nakakaalam kung sino ang nag-iwan sa bata na lumaki sa pangangalaga ni Sister Margaret (Gloria), kasama ang 4-year-old stowaway na si Marco (Jake).

Sa paglipas ng araw, naging kuya ni Angelina si Marco hanggang sa may umampon sa kanya, kaya naiwanan si Marco sa shelter. Kaabangabang kung muli pa silang magkikita at kung ano ang magiging buhay ni Angelina sa labas ng shelter.

Inamin nina Bea at Jake na may pressure sa reunion nila after ng Alice Bungisngis pero masaya sila sa tiwala sa kanila ng GMA Films. Alam nila na ang makakatapat nilang soap ay matagal nang napapanood at sinusubaybayan ng televiewers. Pero ayon kay Direk Omar de Marco, na-inspire sila sa story ni Angelina kaya naniniwala silang magugustuhan din ng mga manonood ang kanilang drama series.

“Nakakarelate ako sa character ni Angelina na lumaking hindi kilala ang kanyang mga magulang. Ako po naman ay hindi ko nakasama ang aking tatay. Kaya po at my young age, natuto na akong magtrabaho. Mabuti na lamang nariyan si Mommy na very supportive sa lahat ng mga ginagawa ko.”

Kasama rin sa morning soap sina Yassi Pressman, Ashley Nordstrom, Mico Palanca, Isabel Granada at Victor Basa. Bukas na ng umaga magsisimulang mapanood ang Cielo de Angelina pagkatapos ng Kusina Master.

comments
Translate »


















Translate »