Home » Balita » Dolphin export hinarang ng korte

Dolphin export hinarang ng korte

 

Ni Rommel Tabbad

Pinagbawalan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na muling i-export sa Singapore ang 25 na dolphin na kinukupkop ngayon sa Subic.

Bukod sa DA at BFAR, hindi rin pinapahintulutan ni QCRTC 1st ViceExcutive Judge Bernelito Fernandez ang Singapore-based Resorts World sa Sentosa na umangkat ng anumang uri ng dolphin papasok sa bansa.

Ang kautusan ay inilabas bilang tugon sa isinampang reklamo ng Earth Island Institute, Philippine Animal Welfare Society (PAWS), at ng Compassion and Responsibility to Animals Welfare Philippines.

Ayon sa nasabing mga animal welfare group, isinampa nila ang petisyon nang matuklasan nila na ireexport sa Singapore ang nasabing mga dolphins na inangkat pa sa Solomon Islands noong 2008, 2009 at 2011.

Maliban sa temporary environmental protection order (TEPO), hiniling din ng mga ito sa hukuman na ipawalang-bisa ang nasabing import permits na ginamit noong 2008, at ang pagpapawalangsaysay sa mga import permit ng mga dolphin mula sa Solomon Islands.

Iginiit din sa korte ng mga naturang grupo na ‘alagaan’ muna ng mga inirereklamo ang mga nasabing dolphin na kasalukuyang nasa Ocean Adventure Park sa Subic hanggang hindi pa sila nare-rehabilitate para mapakawalan sa karagatan.

Translate »
AfrikaansArabicBulgarianAfrikaansChinese (Simplified)Chinese (Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreaLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianvietnamese
AfrikaansArabicBulgarianAfrikaansChinese (Simplified)Chinese (Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreaLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianvietnamese