Home » Probinsya » Pagtutol sa pagbibiyahe sa dolphin patungong Singapore, idinulog sa korte

Pagtutol sa pagbibiyahe sa dolphin patungong Singapore, idinulog sa korte

Nagsampa ng petisyon sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) para sa temporary environmental protection order ang environment and animal welfare group na Earth Island Institute of the Philippines (EIIP) upang hadlangan ang pagpapadala sa Singapore ng 25 Solomon Island dolphins na kasalukuyang nasa Ocean Park sa Subic, Zambales.

Napag-alaman sa Earth Island Institute of the Philippines na kung ibibiyahe ang 25 dolphins, mas kailangang ibalik ang mga ito sa kanilang natural na tirahan sa dagat at hindi sa isang parke sa Singapore.

Anila, taong 2008 nang matuklasan sa pag-aaral ng International Union for the Conversation of Nature na ang patuloy na panghuhuli ng mga dolphin sa Solomon Island ay naglalagay sa panganib na maubos ang mga dolphin sa lugar.

Respondent sa kaso ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ang Department of Agriculture (DA). – Jun Fabon

comments


















Translate »