Home » Sports » Athletics, dinomina ng Pangasinan team

Athletics, dinomina ng Pangasinan team

 

Ni Angie Oredo

LINGAYEN, Pangasinan – Dinomina ng host-Pangasinan ang centerpiece event na athletics upang hawakan ang pangkalahatang liderato matapos ang dalawang araw ng kompetisyon sa 12 pinaglalabanang isports sa 2012 POC-PSC Batang Pinoy Northern Luzon qualifying leg.

Humakot ng kabuuang 29 ginto, 41 pilak at 29 tanso ang Pangasinan upang iwanan ang nagtatanggol at 2011 overall champion na Baguio City sa ikalawang puwesto sa natipon na 24 ginto, 14 pilak at 12 tanso. Nasa ikatlo ang Malolos City na may 4 na ginto, 2 pilak at 3 tanso.

Nag-uwi ng tig-2 ginto sina Jayson Toribio, Reuben Jacob Boys, Lodivico Dela Cruz, Paul Isaac Manibog, Francis Marron, Mark Laurence Sanguir, Rico Navarro, Jasmine Suniga at Bricilene Soriano upang pamunuan ang 279kataong Pangasinan.

Samantala, nagdagdag naman ng 2 gintong medalya si Jamleth Marie Villanueva ng Olongapo City sa ikalawang araw ng kompetisyon sa swimming upang idagdag sa iniuwing tatlo sa unang araw upang tanghaling may pinakamaraming naiuwing limang medalya.

Una nang nagwagi ang 12-anyos na si Villanueva sa girls’ 12-under 200meter backstroke, 200m butterfly at 4×50 meter medley sa Dagupan City Pool Site. Nagwagi ito sa 50m butterfly at 100m backstroke.

Isasagawa naman ngayon sa ganap na alas-9:00 ng umaga ang national finals ng cycling. Kabuuang 30 siklista ang kasali, hindi pa kasama ang Visayas at Mindanao na hindi nakapagpadala ng kanilang siklista.

Sisimulan naman ang karatedo at taekwondo bukas habang patuloy ang eliminasyon sa badminton, boxing, arnis, chess at lawn tennis.

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese