Home » Balita » Anti-Cybercrime Law, handang amyendahan

Anti-Cybercrime Law, handang amyendahan

 

Nina Jun Fabon, Beth Camia at Leonel Abasola

Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na may dapat baguhin sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, kasabay ng paninindigang kailangan ng bansa ang kontrobersiyal na batas, dahil karaniwan na para sa maraming Pilipino ang gumamit ng Internet, at ilan ang nagsasamantala sa teknolohiyang ito.

Nabatid na may mga panukalang batas na ang inihain sa Kamara sa layuning amyendahan ang RA 10175 para tanggalin ang ilang kontrobersiyal na probisyon, kabilang ang online libel, na may katapat na mas matinding parusa kaysa tradisyunal na libel.

Muling magbubukas ngayong Lunes ang sesyon ng Kongreso pagkatapos ng dalawang linggong bakasyon.

Tiniyak naman ni Pangulong Benigno S. Aquino III na bukas ang Kongreso sa panukalang amyendahan ang Anti-Cybercrime Law, na kabikabila ang inaaning batikos at protesta.

“Nandiyan ho ang ating Kongreso, handa silang mag-amyenda at pakinggan ‘yung mga taong, sabihin na natin [ay] medyo belatedly nagsalita. Pero pagkatapos na maamyendahan ‘yon, ako rin pipirmahan ko ‘yun [naamyendahang Anti-Cybercrime Law]. Palagay ko, ‘pag tama naman po ‘yung version na hinain sa atin, pipirmahan ko rin ho ’yan,” sabi ni Pangulong Aquino.

Kasabay nito, ipinaalala ng Pangulo na kung may karapatan ang mga Pilipino sa malayang pamamahayag, mayroon din itong limitasyon para hindi masagasaan ang karapatan ng iba.

Magsasagawa naman bukas ang Department of Justice ng multi-sectoral forum tungkol sa Cybercrime Law, na tatapatan ng mga kilos-protesta.

‘WAG ISABOTAHE
At sa harap ng pangha-hack sa mga website ng gobyerno noong nakaraang linggo bilang protesta sa pagpapatupad ng Anti-Cybercrime Law simula nitong Oktubre 3, mariing umapela si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director, Undersecretary Benito Ramos sa mga hacker na huwag isabotahe ang website ng ahensiya.

Iginiit ni Ramos na pagliligtas ng buhay at mga ari-arian ang pangunahing interes ng NDRRMC, at magiging malaki ang epekto sa mamamayan kapag napakialaman ng iba ang website ng ahensiya.

TUTUGISIN
Kasabay nito, sinimulan nang tugisin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nasa likod ng hacking sa mga ahensiya ng gobyerno nitong nakaraang linggo, na kinabibilangan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Justice (DoJ), Bureau of Internal Revenue (BIR) at 11 iba pa.

Sa Senado, hiniling din ni Senate Minority Floor Leader Alan Peter Cayetano na imbestigahan ng mataas na kapulungan ang sunud-sunod na pag-hack sa mga website ng mga ahensiya ng gobyerno, upang matukoy kung may sapat na seguridad ang ating pamahalaan upang protektahan ang mga ito.

“It will give signal to other countries to doing this in the Philippines na mahina ang security natin on that. In fact, dapat baligtad, the hackers to help us strengthen our security,” ani Cayetano.

E-VANDALS
Samantala, nilinaw ni NBI Computer Crimes Special Investigator Unit Head Joey Narciso na hindi hackers kundi online vandals o e-vandals na hindi bababa sa 30 anyos ang nasa likod ng pakikialam sa mga website ng gobyerno.

Paliwanag ni Narciso, walang aktuwal na illegal intrusion at walang nanakaw na files sa mga napasok na website na siyang kahulugan ng hacking.

Nais lang ng mga suspek na patunayan ang husay nila sa computer at wala silang ibang pakay pero kailangan pa rin silang mapanagot, ayon kay Narciso.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese
  • @ambot

    tama!!! gusto nila na mapprove ang cybercrime para sa kanilang pansariling proteksyon !!!!!! hindi kasi nila ma tanggap na sila ay mali at nakikita at pinopost ito sa mga website