Home » Balita » Online tool, gabay sa nutrisyon

Online tool, gabay sa nutrisyon

Binuksan sa publiko ang isang website na magbibigay ng sapat na kaalaman sa mga Pinoy kaugnay ng mga sustansiyang nakukuha sa pagkain.

Ang Centrum Nutri Coach online ng Pfizer ang pinakamadaling paraan upang magkaroon ng kaalaman ang mga Pilipino tungkol sa mga sustansiyang nakukuha sa kinakain araw-araw.

Ang Centrum Nutri Coach ang unang online nutrition tracker na angkop sa pamumuhay at diet ng Pinoy.

Ang website ang magiging daan upang mabigyang-kaalaman ang mga Pilipino kung ano ang maidudulot sa katawan ng mga kinakain sa arawaraw, gaya ng mga Pinoy favorite na inihaw na liempo at halo-halo sa isang virtual plate. Pagbabasehan ang edad, timbang, pisikal na aktibidad at iba pa, magbibigay ng tips ang website para mapabuti ang nutritional habits ng mga Pilipino.

Inilunsad ang Centrum Nutri Coach batay sa natuklasan sa pagaaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) na halos 70 porsiyento ng kabahayang Pinoy ang hindi nakakukuha ng kinakailangang nutrisyon. – Beth Camia

comments


















Translate »