Home » Probinsya » Faith Maganto, naghain ng COC

Faith Maganto, naghain ng COC

Panunumbalik ng tiwala sa Kongreso at pagsusulong ng kapakanan ng kababaihan at kabataan ang nais na isulong ng negosyanteng si Faith Maganto.

Naghain kahapon ng umaga ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Maganto sa tanggapan ng Commission on Election (COMELEC) sa pagkakongresista ng ika-5 distrito ng Manila sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Ang hamon na maging serbisyo-publiko ay ginawa ni Maganto makaraan ang ilang taong tagumpay sa pribadong sector upang matiyak na mabibigyan ng proteksiyon ang kalusugan at pag-aaral ng mga kabataan at kababaihan.

Sinimulang isakatuparan ni Maganto ang adhikaing nito sa mga sunod-sunod na inilunsad na feeding program noong nakalipas na buwan ng kanyang `Have Faith Volunteers Group’ sa 46 na barangay na nasasakupan ng ikalimang distrito ng Manila.

Kabilang sa mga maralitang lumahok at nakipagtulungan sa aktibidad ng `Have Faith Volunteers Group’ ay ang ilang opisyal ng barangay na residente ng San Andres, Intramuros, Paco, Baseco at Malate.

Sa Faith ay anak ng nagretirong General na si Romeo Maganto, kilalang crime buster sa kanyang kapanahunan. – Mary Ann Santiago

Incoming search terms:

  • concern lang

    si faith ay hindo po anak…sya po ay “asawa” at meron silang 3 anak.