Home » Balita » ‘Pambubugbog’, ‘di sapat sa annulment

‘Pambubugbog’, ‘di sapat sa annulment

Ni Mary Ann Santiago

Hindi maaaring gamiting basehan sa pagpapawalang-bisa ng kasal ang pambubugbog.

Ito ang nilinaw ni LingayenDagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, kasalukuyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-National Appellate Matrimonial Tribunal Judicial Vicar.

Ayon kay Cruz, maaari lang maging ground ng declaration of nullity ang pambubugbog kapag napatunayang may kakulangan o kalabisan ang pag iisip ng taong nambubugbog.

“Grounds po `yan kapag napatunayan na ang kaisipan ng nambubugbog ay may kakulangan o kalabisan. Uulitin ko po, `di komo bubugbugin kita ay makakakuha ka na ng nullity o declaration of nullity o kaya para makuha ko ang nullity o makapagasawa ako ng iba ay bubugbugin ko na lang `yung misis ko,“ sinabi ni Cruz sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon kay Cruz, ang pambubugbog ay maaari lang gamitin bilang “grounds“ para sa separation o paghihiwalay.

Kasabay nito, sinabi ni Cruz na mas mainam kung palalakasin ang RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act.

Reaksiyon ito ni Cruz kasunod ng pagkakabunyag ng kaso ng magasawang Analiza at Reynold Marzan, na inaakusahang nagmaltrato at nanakit sa 21-anyos nilang kasambahay na si Bonita Baran.

Natuklasan sa pagdinig sa Senado na “battered wife” si Analiza.

Ito, ayon sa imbestigasyon, ang dahilan kaya ibinunton ni Analiza kay Baran ang galit sa sariling asawa.

Incoming search terms: