Home » Showbiz atbp. » Jolo, kakandidatong Cavite vice-governor

Jolo, kakandidatong Cavite vice-governor

 

Ni Anthony Giron/Manila Bulletin

Ramon “Jolo“ Revilla IIIKAKANDIDATONG bise gobernador si Cavite 2nd District (Bacoor) Board Member Ramon “Jolo“ Revilla III sa halalan sa susunod na taon.

Sa aming panayam sa kanya sa Sangguniang Panglalawigan Session Hall, kinumpirma ng 24-anyos na movie actor-turned politician ang kanyang planong pagkandidato sa May 2013.

“Yes, I am running for vicegovernor,“ sabi ni Jolo, at idinagdag na makakatambal niya si incumbent Gov. Juanito Victor “Jonvic“ Remulla Jr.

Si Jolo ang unang opisyal ng Cavite na naghayag ng planong pagkandidato sa susunod na taon. Inamin ng actor politician ang kanyang plano sa eleksiyon ilang linggo bago ang paghahain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) sa Oktubre 15, 2012.

Si Jolo ay anak nina Sen. Ramon “Bong“ Revilla Jr. at ni 2nd District Rep. Lani Mercado Revilla, na nauna nang nagkumpirma sa kandidatura ng anak sa mga panayam sa kanya ng showbiz reporters kamakailan.

Si Jolo, na Jose Lorenzo Hernandez Bautista ang tunay na pangalan, ang kasalukuyang chairman ng Barangay Affairs Committee ng Sangguniang Panglalawigan, at ng iba pang komite. Naluklok siya sa puwesto makaraang mahalal bilang pangulo ng Cavite Association of Barangay Captains. Nanalo siyang chairman ng Barangay Panapaan VII sa Bacoor noong 2010.

Isa sa mga makakalaban ni Jolo sa posisyon si Vice Gov. Recto M. Cantimbuhan, presiding Cantimbuhan officer ng Sangguniang Panglalawigan. Pinaniniwalaang target ni Cantimbuhay ang re election sa susunod na taon.

Kapag nahalal, si Jolo ang magiging pinakabatang bise-gobernador sa Pilipinas.

Inaasahang titindi pa ang usaping pulitikal sa Cavite kapag nagpahayag na rin ng kani-kanilang kandidatura sina Jonvic Remulla at dating Gov. Erineo “Ayong“ Maliksi para gobernador ng Cavite.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese