Home » Showbiz atbp. » True romance: Istorya sa litrato ng magkasintahang naghahalikan habang pinoposasan

True romance: Istorya sa litrato ng magkasintahang naghahalikan habang pinoposasan

 

Litratong kinunan sa tamang tiyempo nang maghalikan ang isang magkasintahan habang pinoposasan ng mga pulis ang maaaring maging inspirasyon ng isang pelikula.

Ito ay magandang balita para sa amateur photographer na si Mo Gelber, 42.

Ang masamang balita, ang “Last Kiss” snapshot ni Gelber ay magiging eligible lamang para sa “Project Imaginat10n” contest ngayong taon na sponsored ng batikang filmmaker na si Ron Howard kapag nakakuha si Gelber ng written permission mula sa magkasintahan.

Si Gelber ay finalist sa patimpalak. Taun-taon, ang top 10 submissions ay ginagawang short films.

Mahaba na ang nilakbay ni Gelber, na noong una ay kailagang hanapin ang magkasintahan, na kinunan niya ng litrato, habang inaaresto noong Agosto sa harapan ng Manhattan Criminal Court sa kasong graffiti.

“I am completely ecstatic. To get this recognition means a lot to me,” ani Gelber sa New York Daily News.

Ang problema, ang hindi pinangalanang lalaki sa litrato ay nasa kulungan pa rin at ang kanyang nangungulilang kasintahan na si Alexis Creque, 28, ay tumangging makipagtulungan kay Gelber hangga’t hindi pinapalaya ang kanyang boyfriend.

“We knew that we were going to be split up once we got to Central Booking,” kuwento ni Alexis kung bakit sila ay naghalikan habang inaaresto. “I was just the look-out,” aniya. “We had a crazy romance all summer. It is like a movie.”

Sa katunayan, ang magkasintahan ay may hawig sa mga karakter na ipinakita sa pelikulang True Romance, na pinagbibidahan nina Christian Slater at Patricia Arquette. Tila sinasalamin nito ang realidad, ang magkasintahan sa pelikula ay nagkaibigan habang nasa gitna ng isang malaking crime spree.

At para kay Gelber, handa siyang gawin ang lahat na kanyang makakaya upang mapanatiling buhay ang kanyang pag-asang makalahok sa kompetisyon.

“I will bring the release form to Rikers if I have to,” aniya sa pahayagan. “I just really want to win this contest.”

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese