Home » Caritas » ANG PAMILYA AT ANG KINABUKASAN

ANG PAMILYA AT ANG KINABUKASAN

Mga kapanalig, mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na pamilya. Tumingkad ito sa ehemplo ng yumaong Sec. Jesse Robredo sa kanyang dedikasyon sa sa kanyang pamilya at tungkulin sa bayan. Mainam na tingnan natin ang kaugnayan ng mabuting pamamahala sa pamilya at lipunan.

Marami sa atin ang nag-aakala na isang malaking balakid ang pamilya sa isinusulong nilang kahusayan sa kanilang karera o trabaho. Sa halip na magkaroon ng maraming oras para sa pamilya, mas binibigyan nila ng panahon ang trabaho bunga na rin ng kakapusan ng pera.

Kapag maayos ang pamamalakad ng isang tao sa kanyang pamilya, mas maayos din po ang pamamalakad niya sa sa kanyang karera at opisina. May estabilidad at kapanatagan ng loob kahit salat sa pera. Kung magulo naman ang tahanan, magulo rin ang trabaho, at lalong naghihirap ang pamilya, hindi lamang sa pera kundi sa emosyon.

Nakaaambag ang ating lipunan sa pagdami ng pamilyang nagkawatak-watak dahil na rin sa kahirapan. Makikita to sa migration phenomenon sa bansa, kung saan dumami na ang ina na nagtatrabaho sa ibang bansa, malayo sa kanilang pamilya.

Mga kapanalig, isa sa mga pamana ni Secretary Jesse Robredo ay ang pagkalinga sa pamilya. Ngunit ang pamanang ito ay mahirap magaya kung pati ang lipunan mismo ay nag-cocontribute sa hirap ng pagbubuklod ng pamilya. Nawa’y maunawaan po nating lahat na ang lipunan ay may taya din po sa pagpapabuti at pagbubuklod ng pamilya. Tayong lahat ay magtulungan upang mas lalong maging matatag ang bawat pamilyang Pilipino.

At sa totoo lang po, dagok ito sa mga naging pinuno at mga pinuno sa ating bayan. Dahil hindi naman aalis ang ating mga kababayan kung may sapat na kinabukasan dito sa ating bansa.

Incoming search terms: