Home » Balita » Palasyo malamig sa pag-kontra sa Sin Tax Reform bill

Palasyo malamig sa pag-kontra sa Sin Tax Reform bill

 

Pinanindigan ng Malacañang na dapat maipasa ang kontrobersyal na Sin Tax Reform Bill para mapangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino.

Ito ang posisyon ng Malacañang sa patuloy na pagkontra ni Senate President Juan Ponce-Enrile (JPE) dahil ang mas mataas na sin tax rate ay hindi umano sagot sa suliranin sa kalusugan ng mga Pinoy.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na hindi sila natitinag sa magkasalungat na posisyon ng Palasyo kay Enrile at patuloy nilang itutulak ang nasabing panukalang batas na kikita ng dagdag pondong gagamitin sa mga health program ng gobyerno.

Ayon kay Lacierda, paulit-ulit nila itong sinasabi at umaasang makakakuha ang suporta ng Senado.

Una nang sinabi ng Malacañang na ang buwis na makokolekta sa Sin Tax Bill ay maaring ilaan sa universal health insurance ng pamahalaan sa pamamagitan ng PhilHealth.

“Obviously we have a difference of opinion. We believe that the sin tax would help in the promotion of health. Again, the burden of smoking to the economy is hundreds of billions of pesos. We’ve stated that as much. That has been reported previously. And so we believe that the sin tax measure is a health issue and that should be addressed by, hopefully, looked on with favor by the Senate,” ani Lacierda. – Beth Camia

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese