Home » Balita » Bilang ng lalaki at babae sa Pilipinas, halos magkapantay – NSO

Bilang ng lalaki at babae sa Pilipinas, halos magkapantay – NSO

Ni Czarino Nicole Ong/Manila Bulletin

Inihayag ng National Statistics Office (NSO) na mula sa 92.1 milyong populasyon sa Pilipinas, 50.4 porsiyento rito ay lalaki.

Ito ay may katumbas na sex ratio ng 102 lalaki sa kada 100 babae.

Ang sex ratio noong 2000 ay 101 lalaki kada 100 babae.

Ito ay base sa pinakahuling Census of Population and Housing (CPH), na nagpapakita ng pagtaas sa household population mula sa 76.3 milyon noong 2000 hanggang 15.8 milyon noong 2010.

Nagsasagawa ng census ang NSO kada 10 taon, at ang pinakahuli rito ay noong Mayo 2010 na ika-13 census of population at ika-anim census of housing na isinagawa simula 1903.

Noong 2010, ang mga bata na may edad 15 taon pababa ay mayroong sex ratio na 107 lalaki kada 100 babae habang ang may edad 15 hanggang 64 anyos, ang sex ratio ay 102 lalaki kada 100 babae.

Ang sex ratio para sa age group na 65 anyos pataas ay 73 lalaki kada 100 babae, na nagpapakita na mas maraming lalaki ang pumapanaw kung ikukumpara sa mga babae sa naturang age group.

Sa ibang panig ng bansa, naitala sa Region 8 at CARAGA ang pinakamataas na sex ratio na 106 lalaki kada 100 babae.

Samantala, ang National Capital Region (NCR) ay mayroong 96 lalaki kada 100 babae habang sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay 99 lalaki kada 100 babae.

Tanging ang Region 8 at CARAGA ang may naiulat na mas marami ang populasyon ng mga babae kaysa lalaki, o may sex ratio na mababa sa 100.

Sa household population noong 2010, 33.4 porsiyento ay kinabibilangan ng 15 taong gulang pababa o 30.7 milyon.

Ang mga batang limang taong gulang pababa ay bumubuo ng 11.1 porsiyento ng kabuuang household population sa buong bansa.

Ang mga batang may edad lima hanggang siyam na taon ay bumubuo sa 11.2 porsiyento ng household population habang ang mga 10 hanggang 14-anyos, ay 11 porsiyento.

Incoming search terms:

comments
  • maryjoy

    ilan kaya lahat ng pilipino ang pinanganak sa araw na ito?



















Translate »