Home » Pananaw ni Manny V » TULONG SA MAYBAHAY NG OFW

TULONG SA MAYBAHAY NG OFW

Sa maraming taon, bago pa man ako pumalaot sa daigdig ng pulitika, pangunahin ko nang adbokasiya ang pagtulong sa manggagawang Pilipino sa ibayong-dagat o Overseas Filipino Worker (OFW). Bilang isang mambabatas, sa Mababa at Mataas na kapulungan, nag-akda at nagsulong ako ng mga panukalangbatas para sa kapakanan ng mga OFW at kanilang pamilya.

Sa loob ng kongreso ay pinangunahan ko ang ilang imbestigasyon sa mga isyu na may kaugnayan sa mga OFW. Ginagamit ko rin ang aking tanggapan upang tulingan ang mga OFW na nalalagay sa panganib, gaya ng mga manggagawang Pilipino na naapektuhan ng kaguluhan sa Gitnang Silangan. Patuloy ko ring binabantayan hindi lamang ang kapakanan ng mga OFW, kundi maging ng kanilang pamilya. Halimbawa, nag-akda ako ng Senate Bill No. 2588, upang bigyan ng pitong araw na special leave credit ang mga maybahay ng OFW na namamasukasn dito sa Pilipinas.

Ang panahong ito ay magagamit ng mga maybahay halimbawa, upang makasama ang kanilang kabiyak kapag umuuwi upang magbakasyon, nang hindi mapuputol ang kinikita sa pamamaksukan.

Magagamit din ang special leave credit sa ibang gawain upang mapanatili ang buklod ng pagsasama ng mga pamilya ng OFW. Ang benepisyong itinatadhana sa ilalim ng SB 2588 ay maliit na benepisyo kung ihahambing sa kontribusyon ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang ipinapadala nilang salapi o remittances na mahigit $20 bilyon isang taon, ang isa sa mga pangunahing dahilan sa patuloy na paglago ng ekonomiya.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay kabilang sa mga pangunahing bansa sa Asya kung ang paguusapan ay bilis ng paglago ng ekonomiya.

Ang SB 2588 ay isang pagkilala sa utang na loob ng sambahayang Pilipino sa mga OFW, an gating makabagong bayani.

Incoming search terms:

comments


















Translate »