Home » Probinsya » PNPA exams

PNPA exams

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Inanyayahan ng Police Regional Office 3 (PRO-3) ang mga taga-Central Luzon na huwag palampasin ang pagkakataong mapabilang sa Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology o Bureau of Fire Protection sa pagkuha ng entrance exam ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Oktubre 28, 2012.

Ayon sa PRO 3, ang pagsusulit ay bukas sa lahat ng Pilipinong edad 17-21, walang asawa, may taas na 5’4“ sa lalaki at 5’2“ sa babae, nagtapos ng high school, may mabuting ugali, walang nakabimbing kaso, malusog ang katawan at isipan at kayang ipasa ang minimum required physical fitness exercises.

Isumite ang aplikasyon kasama ang isang self-stamped windows envelope sa Office of the Registrar o ipadala ito sa The Director (Attn: Registrar), Philippine National Police Academy, Camp General Mariano N. Castaneda, 4129 Silang, Cavite, bago sumapit ang Setyembre 24. Maaari ring ma-download ang application form sa http://www.pnpa.edu.ph.

Isasagawa sa 30 lugar sa bansa, ang PNPA entrance exam ay binubuo ng communication skills, logical at reasoning ability, math at sciences, general information at current events, at values at aptitude for the service. – Leandro Alborote

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »