Home » Probinsya » ARMM elections, matutuloy nga ba?

ARMM elections, matutuloy nga ba?

Ni Leo Diaz

ISULAN, Sultan Kudarat – Dahil hindi malinaw sa mga taga-Mindanao, partikular sa ilang bahagi ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), ang aktuwal na lagay ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), nangangamba ang marami na muling maudlot ang halalan sa rehiyon na isasabay sa midterm elections sa Mayo ng susunod na taon.

Batay sa pahayag ng ilang opisyal ng MILF, partikular sa Maguindanao, ito ang nakikinita ng grupo sa kasalukuyang sitwasyon.

Ayon sa isang opisyal ng MILF na nagpakilala lamang sa pangalang Datu Abas, posibleng ipagpatuloy ni ARMM officer-in-charge Gov. Mujiv Hataman ang panunungkulan sa rehiyon.

Halos ganito rin ang pananaw ni dating Sultan Kudarat Gov. Sultan Pax S. Mangudadatu, al hadz, bagamat hindi na siya nagpaliwanag pa.

Sa kabila nito, inamin niyang kakandidato siya sa ARMM kapag natuloy ang eleksiyon sa susunod na taon.

Kaugnay nito, negatibo ang reaksiyon ng ilang sektor ng lipunan sa maraming bahagi ng ARMM, na una nang ipinagpaliban ang halalan na unang itinakda noong Agosto 8, 2011.

Incoming search terms: