Home » Balita » Blue moon walang dalang trahedya

Blue moon walang dalang trahedya

 

Ni Rommel P. Tabbad

Pinawi kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pangamba ng publiko magkakaroon ng isang trahedya bunsod na rin ng paglitaw ng tinatawag na “Blue Moon.”

Ayon kay PAGASA administrator Nathaniel Servando, hindi totoo ang paniniwala na may nagbabadya o hatid ang nasabing “Blue Moon” o ang second full moon na nasaksihan sa bansa kagabi.

Aniya, tulad din lamang ng karaniwang high tide ang epekto ng second full moon at wala itong dalang anumang panganib.

Sa pahayag ng PAGASA, masusundan ang blue moon sa 2015.

Sa 2014 naman ay kakaiba rin ang nakahanay sa astronomical diary dahil dalawang beses na magkakaroon ng black moon o mga buwan na may dalawang new moon.

Mangyayari ito sa Enero at Marso ng taong 2014.

Karaniwang ginagamit ang blue moon metaphor ng mga writer, tulad ng “once in a blue moon,” sa pagsasalarawan ng mga napakapambihirang pangyayari.

Incoming search terms:

Translate »
AfrikaansArabicBulgarianAfrikaansChinese (Simplified)Chinese (Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreaLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianvietnamese
AfrikaansArabicBulgarianAfrikaansChinese (Simplified)Chinese (Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreaLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianvietnamese