Home » Daigdig » Sunog sa Venezuela refinery, kumalat

Sunog sa Venezuela refinery, kumalat

PUNTO FIJO, Venezuela (AP) — Kumalat ang malaking apoy sa isang Venezuelan refinery sa ikatlong fuel tank noong Lunes halos tatlong araw matapos ang pagsabog na ikinamatay ng 41 katao at sumugat sa mahigit 150.

Sinabi ni Oil Minister Rafael Ramirez na ang ikatlong tangke ay lumiyab sa Amuay refinery, na nasusunog noon pang Sabado.

Nauna nang sinabi ng mga opisyal ng gobyerno na kontrolado na nila ang sunog, at ang pagkalat nito sa isa pang tangke ay malaking balakid sa kanilang plano para mabilis na mai-restart ang refinery.

Incoming search terms:

comments


















Translate »