Home » Tennis » Kahit malakas ang hangin; Serena Williams, nakipagsabayan sa US Open

Kahit malakas ang hangin; Serena Williams, nakipagsabayan sa US Open

NEW YORK (AP) – Hayaan na si Serena Williams na dumiskarte sa kanyang creative way kahit pa nararamdaman ang lakas ng hangin sa kapaligiran ng US Open kagabi.

”I usually gauge the wind by my hair,” pahayag ni Williams. ”If it’s really going forward, I’m thinking, ‘It’s really windy.”

Sadyang malakas nga ang hangin. Ngunit hindi ito ikinabahala ni Williams matapos ang kanyang 6-1, 6-1 victory laban kay 75th-ranked CoCo Vandeweghe ng US sa unang round sa Flushing Meadows.

Si Williams ay nangailangan lamang ng ‘di bababa sa 1 oras upang makausad sa second round ng torneo na kanyang napagwagian noong 1999, 2002 at 2008.

Galing sa mga titulo sa Wimbledon at London Olympics, kinakitaan ng pagkatalas si Williams kontra kay Vandeweghe, nagkamit lamang ng siyam na unforced errors bagamat hindi naging magandang ang kondisyon sa korte.

”I didn’t hit anything too hard, because the ball – I wouldn’t have known where it was going to go,” pahayag ni Williams.

Patuloy na minamataan ang kanyang ika-15 Grand Slam title, napatatag ni Williams sa 48-1 ang first-round matches sa major tournaments. Ang tanging pagkatalo ay sa French Open sa taon na ito.

Sa kanyang on-court interview matapos ang laro kahapon, ipinamalas ni Williams ang isa pang shout-out para sa isa pang Olympic gold medalist, kung saan si New York Knicks star Carmelo Anthony na nanood sa stands ang naging cheerer ni Williams.

Nagsimulang gumaralgal si Vandeweghe, sumadsad sa 7-5, 6-3 kay Williams sa Bank of the West Classic final sa kaagahan ng summer na ito, sa kanyang serbisyo dahil sa ihip ng hangin. Tumapos ito na mayroong anim na double-faults at nakapagsilbi lamang ng isa sa pitong pagtatangka.

comments


















Translate »