Home » NCAA » JRU, MAGSOSOLO

JRU, MAGSOSOLO

Patatatagin ang puwesto sa ikalawa

Ni Marivic Awitan

Mga laro ngayon:
(Fil-Oil Flying V Arena)
12 nn. San Sebastian vs. Arellano (jrs)
2 p.m. Lyceum vs. St. Benilde (jrs)
4 p.m. San Sebastian vs. Arellano (4-7) (srs)
6 p.m. Lyceum(2-9) vs. St. Benilde(3-8) (srs)

Makapagsolo sa ikalawang puwesto ang tatargetin ng Jose Rizal University kontra sa San Sebastian College sa pagpapatuloy ng second round ng 88th NCAA basketball tournament sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Magkasalo sa kasalukuyan ang Stags at ang Heavy Bombers sa ikalawang puwesto na taglay ang barahang 8-3 sa likuran ng solo lider at defending champion na San Beda College na may barahang 9-2.

Hangad ng Stags ang unang back-to-back win matapos makabalikwas sa ‘di inaasahang pagkabigo nila sa kamay ng Emilio Aguinaldo College Generals nang kanilang gapiin ang Lyceum Pirates sa kanilang sumunod na laro.

Tatangkain ng Stags na maulit ang kanilang naitalang 91-70 panalo nang una silang magtagpo ng Chiefs noong Hulyo 28.

Sa kabilang dako, hangad naman ng Arellano na makabangon buhat sa unang kabiguan na natamo sa second round at kanilang ikalawang sunod sa kamay ng EAC Generals upang makakalas buhat sa pagkakatabla nila ng
Mapua at ng kanilang pinakahuling tormentor sa pang-anim hanggang pang-walong puwesto na taglay ang baharang 4-7.

Samantala, sa huling laban, parehas na nasa ilalim ng standings, target na makapagtala ng panalo ang Lyceum of the Philippines at ng College of St. Benilde upang mabuhayan pa sa kanilang kampanya.

Bagamat halos wala nang pag-asanag makahabol sa Final Four sa hawak nilang mga barahang 2-9 para sa Lyceum at 3-8 para sa St. Benilde, inaasahan pa ring magsisikap na makapagtala ng panalo ng dalawang koponan upang umangat sa kanilang final placing.

Tatangkain ng Blazers na maduplika ang naunang 70-61 na panalo nila kontra Pirate noong Hunyo 25 para makamit ang pang-apat na panalo at buhayin ang katiting na tsansang makausad pa sa susunod na round.

Incoming search terms: