Home » Probinsya » 1-anyos, inabuso ng lolo

1-anyos, inabuso ng lolo

TARLAC CITY – Halos pagsakluban ng langit at lupa ang isang lola sa Purok Rosal, Barangay Sepung Calzada, Tarlac City matapos mapag-alaman na inabuso ng kanyang live-in partner ang isang taon at anim na buwan niyang apo.

Batay sa isinumiteng report ni SPO1 Hilda Duran, may hawak ng kaso, kay Tarlac Chief of Police Supt. Arnel Ramos, ang suspek sa pang-aabuso ay si Donato Puno, 49, live-in partner ng lola ng biktima na itinago sa palayaw na Rosing, tubong Manibug, Porac, Pampanga at residente ng Sepung Calzada, Tarlac City.

Ayon sa isang nagngangalang Gigi, nakita niya ang biktima sa kandungan ng suspek at pinupunasan ang sariwang dugo na lumalabas sa ari ng bata. Kaagad siyang nagsumbong sa mga awtoridad kayat inaresto ang suspek.

Kinasuhan na ng statutory rape ang suspek sa Tarlac City Prosecutor’s Office. – Leandro Alborote